Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/95 p. 7
  • Kailangan Natin ang Kongregasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailangan Natin ang Kongregasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Purihin ng Kongregasyon si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Patibayin ang Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mahalaga Ka sa Kongregasyon ni Jehova!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Pahalagahan ang Iyong Papel sa Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 10/95 p. 7

Kailangan Natin ang Kongregasyon

1 Ang mga anak na lalaki ni Kore ay minsang nagpahayag ng kanilang pagpapahalaga sa kongregasyon ni Jehova sa ganitong paraan: “Ang isang araw sa iyong mga looban ay mas mabuti kaysa isang libo sa ibang dako.” (Awit 84:10) Para sa kanila, ang sanlibutan ay walang maiaalok na katumbas nito. Kung gayon din ang inyong damdamin, dapat ninyong gawing sentro ng inyong buhay ang kongregasyon.

2 Mula nang ito’y magsimula laging ipinamamalas ng Kristiyanong kongregasyon na taglay nito ang pagpapala ni Jehova. (Gawa 16:4, 5) Hindi dapat walaing-bahala ng sinuman sa atin ang kongregasyon o kaya’y madamang ito’y isa lamang paraan upang tipunin tayo sa pisikal na paraan. Ang kongregasyon ang pinakasentro ng gawain ng mga Saksi ni Jehova sa bawat komunidad. Naglalaan ito ng nagkakaisang pagsasamahan upang tayo ay maturuan ni Jehova at maorganisa sa gawaing pang-Kaharian.—Isa. 2:2.

3 Ang Kristiyanong kongregasyon ay isang saligang alulod para sa pagtuturo sa atin ng katotohanan. (1 Tim. 3:15) Ang lahat ng mga alagad ni Jesus ay dapat na “maging isa”—kaisa ng Diyos, ni Kristo, at ng isa’t isa. (Juan 17:20, 21; ihambing ang Isaias 54:13.) Saan man tayo pumunta sa daigdig, ang ating mga kapatid ay naniniwala sa mga aral at simulain ng Bibliya at gumagawi na kasuwato ng mga ito.

4 Tayo ay nasasanay at nasasangkapan upang tuparin ang ating atas na gumawa ng mga alagad. Bawat buwan, Ang Bantayan, Gumising!, at ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay naghaharap ng maiinam na impormasyon upang tulungan tayong mapasimulan ang maka-Kasulatang mga usapan. Ang mga pulong ay dinisenyo upang ipakita sa atin kung papaano hahanapin at pasusulungin ang interes. Ang pagsulong na ating nakikita sa buong daigdig ay nagpapatunay na taglay natin ang makalangit na alalay sa gawaing ito.—Mat. 28:18-20.

5 Sa pamamagitan ng kongregasyon, ating tinatanggap ang pampatibay-loob araw-araw ‘upang maudyukan tayo sa pag-ibig at maiinam na gawa.’ (Heb. 10:24, 25) Tayo ay napatitibay na pagtiisan ang mga pagsubok nang may katapatan. Tinutulungan tayo ng maibiging mga tagapangasiwa na mapagtagumpayan ang mga panggigipit at mga pagkabalisa. (Ecl. 4:9-12) Binibigyan tayo ng kinakailangang payo kapag tayo ay nasa panganib na maligaw. May iba pa bang organisasyon na nakapaglalaan ng gayong maibiging tulong?—1 Tes. 5:14.

6 Kalooban ni Jehova na tayo’y manatiling malapit sa kaniyang organisasyon upang mapanatili ang ating pagkakaisa. (Juan 10:16) Ang isang paraan ng pagtulong sa atin ng kongregasyon upang mapanatili ang kaugnayan sa uring tapat at maingat na alipin ay sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga naglalakbay na tagapangasiwa ukol sa ating ikatitibay. Ang ating pagtugon sa maibiging pag-akay ay nagbubuklod sa atin sa matalik na kaugnayan na tumutulong upang maingatan tayong malakas sa espirituwal.

7 Ang kongregasyon ay mahalaga sa ating espirituwal na pag-iral. Hindi maaaring paglingkuran si Jehova sa kalugud-lugod na paraan kung hiwalay dito. Tayo kung gayon ay manatiling malapit sa inilaan ni Jehova. Gumawa nawa tayong kasuwato ng mga tunguhin nito at taimtim na ikapit ang payo na ating natatanggap doon. Sa ganito lamang paraan maipakikita natin kung gaano kahalaga ng kongregasyon sa atin.—Awit 27:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share