Ang mga Kontribusyon sa Pambuong Daigdig na Gawain ng Samahan ay Nagtataguyod sa Paglawak
Gaya ng inihula sa Isaias 54:2, 3, patuloy na lumalawak ang dalisay na pagsamba kay Jehova sa buong lupa. Lakip dito ang iba’t ibang lupain sa Aprika at kalapit na mga isla. Sa nakaraang sampung taon, ang mga paghihigpit sa gawaing pang-Kaharian ay inalis sa Angola, Cameroon, Equatorial Guinea, Ethiopia, Madagascar, Malawi, Mozambique, at Togo. Sa mga ito at sa iba pang lupain kung saan ang bukirin ay namumuti na para sa pag-aani, daan-daang misyonero sa Gilead, mga nagtapos sa Ministerial Training School, miyembro ng pamilyang Bethel, at iba pa ang tumanggap ng mga atas.—Mat. 9:37, 38.
Maliwanag, ang pagdami ng tunay na mananamba sa organisasyon ni Jehova ay humihiling sa pagtatayo ng daan-daang bagong Kingdom Hall. Kinakailangan din ang plano para sa mga Assembly Hall at para sa bago o pinalawak na mga pasilidad ng sangay. Ang pagtustos sa gastos sa mga proyektong ito hindi lamang sa Aprika kundi sa iba pang bahagi ng daigdig ay malaki ang nakuha mula sa naiabuloy sa pandaigdig na gawain ng Samahan.
Ang mga larawan at dibuho sa dalawang pahina ng insert na ito ay nagbibigay sa inyo ng idea kung ano ang pinagsisikapang isagawa sa larangan ng Aprika. Ipinakikita ang ilan lamang sa konstruksiyon na ngayon ay isinasagawa at ang mga proyektong malapit nang pasimulan.
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa tsart ng paglilingkod sa larangan sa 1996 Yearbook, magkakaroon kayo ng mas mabuting larawan kung ano ang ginagawa ng mga mamamahayag sa ministeryo sa mga bansang ito. Namumukod-tanging mga pagsulong ang nagaganap, at ang potensiyal para sa paglago ay ipinakikita ng pambihirang bilang ng mga dumalo sa Memoryal. Kapag ating iniingatan sa isipan kung ano ang naisagawa sa iba pang mga kontinente, ikinikintal nito sa atin kung anong pribilehiyo ang taglay natin upang itaguyod ang tunay na pagsamba sa materyal na paraan.—Luc. 16:9; 1 Tim. 6:18.
[Larawan sa pahina 3]
Kingdom Hall sa KwaZulu-Natal, Timog Aprika, itinayo sa 9 na araw
[Larawan sa pahina 3]
Mas murang precast na Kingdom Hall sa Nigeria
[Larawan sa pahina 3]
Assembly Hall sa Mozambique na may upuan para sa 1,500, makukumpleto sa katapusan ng 1996
[Larawan sa pahina 3]
Mga pasilidad ng sangay sa Mozambique, maookupahan sa taglagas ng 1996
[Larawan sa pahina 3]
Sangay sa Sierra Leone, naka-iskedyul na matapos sa tag-araw na ito
[Larawan sa pahina 4]
Kumpletong bukás-na-gilid na Assembly Hall sa Mauritius, lakip na ang mga pasilidad ng sangay, matatapos sa tagsibol ng 1997
[Larawan sa pahina 4]
Itinatayong sangay sa Zimbabwe
[Larawan sa pahina 4]
Bukás-na-gilid na Assembly Hall at itinatayong bagong sangay sa Senegal
[Larawan sa pahina 4]
Bagong sangay sa Kenya, na nasa kabisera, Nairobi
[Larawan sa pahina 4]
Sangay sa Madagascar, malapit nang matapos
[Larawan sa pahina 4]
Panukalang mga gusali ng sangay para sa Malawi