Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/97 p. 1
  • Patuluyang Sundan si Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuluyang Sundan si Jesus
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Paglilingkod kay Jehova Taglay ang Espiritu ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Huwag Nang Mamuhay Pa Para sa Ating Sarili
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Tulos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 5/97 p. 1

Patuluyang Sundan si Jesus

1 Sinabi ni Jesus: “Kung ang sinuman ay nagnanais na sumunod sa akin, itatwa niya ang kaniyang sarili at buhatin ang kaniyang pahirapang tulos at patuluyang sundan ako.” (Mat. 16:24) Tiyak na nanaisin nating positibong tugunin ang mga salita ni Jesus. Ating suriin kung ano ang nasasangkot sa bawat parirala ng paanyayang ito.

2 “Itatwa Niya ang Kaniyang Sarili”: Nang ialay natin ang ating buhay kay Jehova, ating itinatwa ang ating sarili. Ang saligang kahulugan ng salitang Griego na isinaling “itatwa” ay “pahindian.” Ito’y nangangahulugang kusang isinusuko natin ang ating sariling mga ambisyon, mga pagnanasa, mga kaalwanan, at mga pansariling kasiyahan, na determinadong paluguran si Jehova nang walang-hanggan.—Roma 14:8; 15:3.

3 “Buhatin ang Kaniyang Pahirapang Tulos”: Ang buhay ng Kristiyano ay isang buhay na nagpapasan ng pahirapang tulos ng mapagsakripisyong paglilingkod kay Jehova. Ang isang paraan upang maipakita ang espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili ay sa pamamagitan ng masikap na paggamit ng sarili sa ministeryo. Sa taóng ito, maraming mamamahayag ang nagtatamasa ng kagalakan sa pag-aauxiliary pioneer. Marahil ay isa kayo sa mga ito at makapagsasabi na ang mga pagpapalang tinatamo ninyo ay sulit sa mga pagsasakripisyong inyong ginagawa. Yaong mga hindi nakapag-auxiliary pioneer ay malimit na nagsaayos na gumugol ng higit na panahon sa gawaing pangangaral bilang mga mamamahayag ng kongregasyon. Dahilan dito, ang ilang kongregasyon ay nag-iiskedyul ng karagdagang mga pagtitipon sa paglilingkod sa larangan sa mga panahong kombinyente para sa mga mamamahayag. Ang ilan ay nagkaroon ng napakabubuting resulta rin nang sila’y nagpasiyang manatili pa ng kaunting panahon sa paglilingkod sa larangan at dumalaw sa ‘isa pang bahay’ o gumawa ng ‘ilan pang minuto.’

4 Ang isa pang paraan upang ipamalas ang espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili ay sa pamamagitan ng pagtatakda ng personal na mga tunguhin. Sa maingat na pagpaplano at sa pagbabago ng kanilang iskedyul, ang ilan ay naging mga regular pioneer. Ang iba ay nakapagsaayos ng kanilang mga gawain upang lumipat sa isang lugar na doo’y mas malaki ang pangangailangan para sa mga mamamahayag ng Kaharian.

5 “Patuluyang Sundan Ako”: Bagaman ang mga alagad ni Jesus ay nakaranas ng maraming pagsubok, sila’y napasigla ng kaniyang sigasig at pagtitiis sa ministeryo. (Juan 4:34) Nakadama sila ng panibagong espiritu dahilan sa kaniyang presensiya. Iyan ang dahilan kung bakit yaong mga sumunod sa kaniya ay kinakitaan ng tunay na kagalakan. (Mat. 11:29) Patibayin din natin ang isa’t isa upang makapagpatuloy sa napakahalagang gawain ng pangangaral ng Kaharian at paggawa ng mga alagad.

6 Nawa’y maging positibo ang ating tugon sa paanyaya ni Jesus na sundan siya nang patuluyan sa pamamagitan ng paglinang sa espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili. Habang ginagawa natin ito, tayo ay magtatamasa ng malaking kagalakan ngayon at higit pang mga pagpapala sa hinaharap.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share