Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/98 p. 1
  • ‘Lalo Nang’ Dumalo sa mga Pulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Lalo Nang’ Dumalo sa mga Pulong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Dapat Tayong Magtipon Para sa Pagsamba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Kung Bakit Kailangang Dumalo Ka sa mga Pulong ng mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Kung Paano Tayo Inaakay ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 4/98 p. 1

‘Lalo Nang’ Dumalo sa mga Pulong

1 Ang pagtitipong sama-sama ay laging mahalaga para sa bayan ni Jehova. Ang mga Israelita ay may templo at mga sinagoga na nagsisilbing mga sentro para sa tunay na pagsamba, banal na pagtuturo, at masayang pagsasamahan. Gayundin ang dahilan kung kaya hindi pinabayaan ng mga unang Kristiyano ang kanilang pagtitipong sama-sama. Habang tumitindi ang mga panggigipit at pagsubok sa mapanganib na mga huling araw na ito, kailangan din natin ang espirituwal na pampalakas na inilalaan ng ating mga pulong sa kongregasyon at “lalung-lalo na” nating kailangan ito. (Heb. 10:25) Pansinin ang tatlong dahilan kung bakit tayo dumadalo sa mga pulong.

2 Para sa Pagsasamahan: Pinapayuhan tayo ng Kasulatan na ‘patuloy nating aliwin ang isa’t isa at patibayin ang isa’t isa.’ (1 Tes. 5:11) Pinupuno ng makadiyos na pagsasamahan ang ating diwa ng mga nakapagpapatibay na kaisipan at inuudyukan tayong gumawa ng mabubuting bagay. Subalit kung ibubukod natin ang ating sarili, tayo ay malamang na makapag-iisip ng mga hangal, mapag-imbot, o maging ng mga imoral na ideya.​—Kaw. 18:1.

3 Para sa Pagtuturo: Ang mga Kristiyanong pagpupulong ay naglalaan ng isang patuluyang programa ng pagtuturo sa Bibliya na dinisenyo upang mapanatiling buháy sa ating puso ang pag-ibig sa Diyos. Nagbibigay ang mga ito ng praktikal na patnubay sa pagkakapit sa “lahat ng payo ng Diyos.” (Gawa 20:27) Sinasanay tayo ng mga pulong sa sining ng pangangaral at pagtuturo ng mabuting balita, mga kasanayang kailangan lalung-lalo na ngayon upang maranasan ang walang-katulad na kagalakan ng paghanap at pagtulong sa mga taong tatanggap ng katotohanan sa Bibliya.

4 Para sa Proteksiyon: Sa balakyot na sanlibutang ito, tunay na isang espirituwal na kublihan ang kongregasyon​—isang kanlungan ng kapayapaan at pag-ibig. Kapag tayo ay dumalo sa mga pulong, ang banal na espiritu ng Diyos ay may malakas na impluwensiya sa atin, anupat tayo’y nakapagluluwal ng mga bunga ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang-pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil-sa-sarili.” (Gal. 5:22, 23) Pinatitibay tayo ng mga pulong na manindigang matatag at buo ang pananampalataya. Sinasangkapan tayo ng mga ito upang maging handa sa mga pagsubok sa hinaharap.

5 Sa regular na pagdalo sa pulong, nararanasan natin ang inilarawan ng salmista, gaya ng nakaulat sa Awit 133:1, 3: “Masdan ninyo! Pagkabuti-buti at pagkaliga-ligaya nga na ang magkakapatid ay tumahang magkakasama sa pagkakaisa!” Saanman naglilingkod at nagtitipong sama-sama ngayon ang bayan ng Diyos, “doon iniutos ni Jehova na manatili ang pagpapala, maging ang buhay hanggang sa panahong walang takda.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share