Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/98 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Nakapagpapatibay Ka ba sa mga Pulong?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Kung Paano Magtatamo Nang Higit na Kagalakan Mula sa mga Pulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Bakit Dapat Tayong Magtipon Para sa Pagsamba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 4/98 p. 7

Tanong

◼ Ano ang magagawa natin upang makatulong na mapasulong ang pagiging mabisa ng ating mga pulong?

Ang ilan ay maaaring makadama na ang matatanda at ministeryal na mga lingkod ang tanging may pananagutan sa ikapagtatagumpay ng mga pulong ng kongregasyon dahilan sa pinangangasiwaan nila ito at ginagampanan ang karamihan ng mga bahagi. Ang totoo, tayong lahat ay makapag-aabuloy nang personal para sa kawili-wili at kapaki-pakinabang na mga pulong. Makatutulong tayo na gawing higit na mabisa ang mga pulong sa pamamagitan ng sumusunod na sampung paraan:

Patiunang maghanda. Kapag naghahanda tayong mabuti, nakukuha ng mga pulong ang ating interes. Kapag ginagawa nating lahat ito, mas nagiging buháy at nakapagpapatibay ang mga pulong. Regular na dumalo. Ang malaking bilang ng dumadalo ay higit na nakapagpapatibay sa lahat ng naroroon, at nakapagpapasigla sa ating pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagdalo. Dumating sa oras. Kung nakaupo na bago magsimula ang programa, makasasali tayo sa pambukas na awit at panalangin anupat makakamit ang lahat ng kapakinabangan mula sa pulong. Dumalo na lubusang nasasangkapan. Sa pamamagitan ng pagdadala ng ating Bibliya at mga publikasyong ginagamit sa panahon ng pulong, masusubaybayan natin at higit na mauunawaan ang tinatalakay. Iwasan ang pagkagambala. Makakapakinig tayong mabuti kung uupo tayo sa harapan. Ang pagbulong at palaging pagpunta sa palikuran ay makasisira sa atensiyon natin at ng iba. Makibahagi. Kapag ang marami sa atin ang nagtataas ng kamay at nagkokomento, marami ang napasisigla at napatitibay dahil sa mga kapahayagan ng pananampalataya. Magkomento nang maikli. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mas marami na makabahagi. Dapat nating isentro ang ating maiikling komento sa materyal na pinag-aaralan. Gampanan ang mga atas. Bilang mga estudyante sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro o mga may bahagi sa Pulong sa Paglilingkod, maghandang mabuti, patiunang mag-ensayo, at sikaping huwag magpapalit. Papurihan ang mga may bahagi. Sabihin sa iba kung gaano kalaki ang pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap. Ito ay nakapagpapatibay sa kanila at nag-uudyok sa kanila na lalong paghusayin pa ito sa hinaharap. Pasiglahin ang isa’t isa. Ang magiliw na pagbati at nakapagpapatibay na pakikipag-usap, bago at pagkatapos ng pulong, ay nakadaragdag sa kasiyahan at kapakinabangang natatamo natin sa pagdalo sa mga pulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share