Masdan ang Kapangyarihan ng Bibliya!
Paano? Sa pamamagitan ng panonood sa video na The Bible—Its Power in Your Life. Ito ang ikatlong tomo sa serye ng mga videocassette na pinamagatang The Bible—A Book of Fact and Prophecy.
Nais mo ba ng isang matagumpay na pag-aasawa? Nangangailangan ka ba ng tulong upang mapanagumpayan ang mahihirap na panahon? Paano magiging responsableng mga adulto ang mga kabataan paglaki nila? Makatutulong ang Bibliya, gaya ng ipinakikita ng video na ito. Pakinggan ang paglalahad ng mga tao hinggil sa naidulot na kabutihan ng kapangyarihan ng Bibliya sa kanilang buhay. Makinig sa kanila habang ipinaliliwanag kung paano nakatulong ang mga simulain nito upang maharap ang mga problema ng makabagong-panahong pamumuhay.
Ang video na ito ay isang mahalagang kasangkapan sa pagtulong sa mga baguhang interesado na makita ang mga kapakinabangan ng paggamit sa Salita ng Diyos bilang isang patnubay sa kanilang buhay. Ang Samahan ay may suplay na The Bible—Its Power in Your Life. Maaari kayong humiling ng kopya sa lingkod sa literatura ng kongregasyon.