Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/99 p. 8
  • Ano ang Sasabihin Ninyo sa Isang Ateista?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sasabihin Ninyo sa Isang Ateista?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Dating Militanteng Ateista, Ngayo’y Lingkod Na ng Diyos
    2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Pangangampanya ng mga Ateista
    Gumising!—2010
  • Posible Bang Magkaroon ng Pananampalataya sa Maylalang?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Napatunayan ba ng Siyensiya na Walang Diyos?
    Gumising!—2010
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 12/99 p. 8

Ano ang Sasabihin Ninyo sa Isang Ateista?

1 “Ako’y isang ateista,” sabi ng isang propesor mula sa Poland sa isang misyonero sa Aprika. Gayunman, nagawang makipag-usap ng sister sa babae at binigyan niya ito ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Nang magbalik ang misyonero nang sumunod na linggo, sinabi ng propesor sa kaniya: “Hindi na ako ateista!” Nabasa niya ang buong aklat na Creation at humiling ngayon ng isang pag-aaral sa Bibliya. Ano ang magagawa ninyo upang maging matagumpay sa pagpapatotoo doon sa mga nagsasabi na hindi sila naniniwala sa Diyos? Una, isaalang-alang ang iba’t ibang dahilan kung bakit ginagawa ng mga tao ang ganitong pag-aangkin.

2 Mga Salik na Sanhi ng Di-paniniwala: Hindi lahat ng ateista ay pinalaking gayon. Marami ang nahantad sa isang anyo ng relihiyon at dating naniniwala sa Diyos. Gayunman, ang malulubhang suliranin sa kalusugan o sa pamilya o ilang kawalang katarungan na naranasan nila ang nagpahina sa kanilang pananampalataya. Para sa ilan, nagkaroon ng negatibong epekto sa kanilang konsepto hinggil sa Diyos ang mga kursong itinuturo sa mga pamantasan. Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa ng mga ateista na nang dakong huli ay nagkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos na Jehova at naging kaniyang mga Saksi.

3 Isang babae sa Paris ang ipinanganak na may nakapanghihinang sakit sa buto. Bagaman nabinyagan bilang Katoliko, hayagan niyang sinasabi na siya’y isang ateista. Nang tanungin niya ang mga madre kung bakit pinahintulutan ng Diyos na maipanganak siya na may gayong kapansanan, ang kanilang sagot ay: “Dahil mahal ka niya.” Hindi niya matanggap ang gayong di-makatuwirang ideya. Gayundin, isaalang-alang ang isang kabataan sa Finland na nasuring may di-malulunasang sakit sa kalamnan at naratay sa isang silyang de-gulong. Dinala siya ng kaniyang ina sa isang Pentecostal na nag-aangking nakagagamot ng may sakit. Ngunit walang naganap na makahimalang pagpapagaling. Bunga nito, nawalan ng interes ang lalaki sa Diyos at naging isang ateista.

4 Isang lalaki sa Honduras ang pinalaking Katoliko ngunit nag-aral ng pilosopiyang Sosyalista at ng ateismo. Palibhasa’y nakumbinsi ng turo ng unibersidad na ang sangkatauhan ay produkto ng ebolusyon, hindi na siya naniwala sa Diyos. Sa katulad na paraan, isang babae sa Estados Unidos ang pinalaking Metodista. Noong siya’y nasa kolehiyo, kumuha siya ng mga asignatura sa sikolohiya. Paano naapektuhan ang kaniyang paniniwala? Sinabi niya: “Sa isang tag-araw ay winasak nila ang lahat ng pananampalataya ko sa relihiyon.”

5 Pag-abot sa Puso ng mga Taimtim: Maraming indibiduwal na nagsasabing hindi sila naniniwala sa Diyos ang magpapahalagang malaman kung may solusyon ang mga suliranin sa mahinang kalusugan, di-pagkakasundo sa pamilya, kawalang-katarungan, at iba pa. Sila’y taimtim na interesado sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na gaya ng: ‘Bakit umiiral ang balakyot?’ ‘Bakit nangyayari ang masasamang bagay sa mabubuting tao?’ at ‘Ano ang kahulugan ng buhay?’

6 Isang mag-asawa na naninirahan sa Switzerland ang kapuwa pinalaki bilang mga ateista. Nang una silang makausap tungkol sa katotohanan, negatibo ang kanilang naging tugon. Subalit mayroon silang malulubhang suliranin sa pamilya at nagbabalak nang magdiborsiyo. Nang muling dumalaw ang mga Saksi, ipinakita nila sa mag-asawa mula sa Bibliya kung paano mapagtatagumpayan ang kanilang mga suliranin. Ang mag-asawa ay namangha sa praktikal na payo na nilalaman ng Kasulatan, at sila ay sumang-ayon sa isang pag-aaral ng Bibliya. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay napatibay, sumulong sila sa espirituwal, at nabautismuhan.

7 Kung Ano ang Maaari Ninyong Sabihin sa Isang Ateista: Kapag sinabi ng sinuman sa inyo na siya ay isang ateista, pagsikapang alamin ang dahilan kung bakit niya nasabi ang gayon. Ito ba’y dahilan sa edukasyon na kaniyang tinanggap, mga suliranin na kaniyang naranasan, o pagpapaimbabaw ng relihiyon at huwad na mga turo na kaniyang nakita? Maaari ninyo siyang tanungin: “Ganito na ba ang dati mong pangmalas?” o “Ano ang dahilan bakit mo nasabi iyan?” Ang kaniyang sagot ay makatutulong sa inyo upang malaman kung ano ang sasabihin. Kung kinakailangan ang matitibay na argumento, maaaring ang kailangan lamang ay ang aklat na Is There a Creator Who Cares About You?

8 Maaari ninyong ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa isang ateista sa pagtatanong ng:

◼ “Napag-isipan mo na ba: ‘Kung mayroong Diyos, bakit napakaraming pagdurusa at kawalang-katarungan sa daigdig?’ [Hayaang tumugon.] Maaari ko bang ipakita sa iyo ang pangmalas ng Bibliya sa paksang ito?” Basahin ang Jeremias 10:23. Pagkatapos basahin ito, tanungin ang kaniyang opinyon tungkol sa teksto. Pagkatapos ay ipakita sa kaniya ang pahina 16 at 17 sa brosyur na Will There Ever Be a World Without War? O, sa halip, maaari ninyong gamitin ang kabanata 10 ng aklat na Creator. Himukin siya na tanggapin ang publikasyon at basahin ang materyal.—Para sa karagdagang mga mungkahi, tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 131-2 (p. 150-1 sa Ingles).

9 Siyempre pa, hindi lahat ng ateista ay tatanggap ng katotohanan. Ngunit marami ang nagnanais na isaalang-alang ang ibang pangmalas. Gumamit ng lohika, ng panghihikayat at, higit sa lahat, ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos upang sila’y matulungan na makita ang katotohanan.—Gawa 28:23, 24; Heb. 4:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share