Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/00 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 7—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Pananalangin sa Harap ng Iba Taglay ang Mapagpakumbabang Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Itaas ang Matapat na mga Kamay sa Panalangin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Pahalagahan ang Pribilehiyo Mong Manalangin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 6/00 p. 3

Tanong

◼ Sino ang dapat manalangin sa mga pulong ng kongregasyon?

Ang panalangin sa kongregasyon ay isang mahalagang bahagi ng ating pagsamba. Ang pagiging kinatawan ng iba sa harap ni Jehova ay isang mahalagang pribilehiyo at isang mabigat na pananagutan. Dahilan sa kahalagahan nito, kailangang gumamit ang matatanda ng mabuting pagpapasiya kapag pinipili kung sino sa mga kapatid ang kuwalipikadong manalangin sa mga pulong. Ang bautisadong mga kapatid na lalaki na kumakatawan sa kongregasyon ay dapat na maygulang na mga ministrong Kristiyano na kilala bilang mabubuting halimbawa at iginagalang ng kongregasyon. Ang kanilang mapitagan at magalang na pananalangin ay dapat na magsiwalat ng isang mainam na kaugnayan sa Diyos na Jehova. Ang artikulong “Pananalangin sa Harap ng Iba Taglay ang Mapagpakumbabang Puso” sa Mayo 15, 1986, isyu ng Ang Bantayan ay bumabalangkas ng mahahalagang simulain na makatutulong lalo na sa mga nananalangin sa madla alang-alang sa kongregasyon.

Hindi pananalanginin ng matatanda ang isang kapatid kung siya ay kilala sa kahina-hinala o hindi mabuting pag-uugali. Ang isang kapatid na magagalitin o may hilig na gamitin ang pangmadlang panalangin upang ipahayag ang personal na di-pagkakasundo ay hindi pipiliin. (1 Tim. 2:8) Kahit na bautisado ang isang kapatid na lalaking tin-edyer, kailangang tiyakin ng matatanda kung siya’y may espirituwal na pagkamaygulang upang manalangin alang-alang sa kongregasyon.—Gawa 16:1, 2.

Sa pana-panahon sa mga pagtitipon bago maglingkod, maaaring kailanganin na ang isang bautisadong kapatid na babae ang manalangin kung wala roong kuwalipikadong kapatid na lalaki upang kumatawan sa grupo. Dapat na siya’y magsuot ng angkop na lambong. Kung malamang na walang kuwalipikadong kapatid na lalaki na makararating sa isang pagtitipon bago maglingkod, dapat na atasan ng matatanda ang isang kuwalipikadong kapatid na babae upang siyang manguna.

Karaniwan para sa tsirman sa Pahayag Pangmadla na magbigay ng pambukas na panalangin. Gayunman, sa iba pang mga pulong ng kongregasyon, kapag marami roong kuwalipikadong kapatid na lalaki, ang iba sa halip na ang kapatid na nagbukas ng pulong o ang isa na inatasan ng katapusang bahagi ang maaaring tawagin upang magbigay ng pambukas o pansarang mga panalangin. Sa paano man, ang kapatid na tinawag upang manalangin sa isang pulong ng kongregasyon ay dapat na patiunang pahiwatigan upang mapag-isipan niya kung ano ang kaniyang sasabihin. Kung gayon siya’y makapananalangin nang may pagkakaugnay-ugnay at marubdob na angkop sa partikular na pulong na iyon.

Ang gayong mga panalangin ay hindi kailangang mahaba. Kapag ang isang kapatid ay nagsasagawa ng pananalangin sa madla, karaniwang siya’y higit na maiintindihan kung siya’y tatayo, ipahahayag ang sarili taglay ang sapat na lakas ng tinig, at magsasalita nang maliwanag. Ito’y magpapangyaring ang panalangin ay marinig ng lahat ng nagkakatipon at sa katapusan ay makapagsasabi ng taos-pusong “Amen!”—1 Cron. 16:36; 1 Cor. 14:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share