Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/00 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Paghimok na Gamitin ang Bibliya
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Nakapagtuturo sa Iyong Tagapakinig
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pagtingin sa Mata
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Paghahanda ng mga Pahayag sa Madla
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 9/00 p. 3

Tanong

◼ Bakit kapaki-pakinabang para sa tagapakinig na hanapin ang mga kasulatan kapag hiniling iyon ng isang tagapagsalita sa panahon ng kaniyang pahayag?

Ang mga salik tulad ng paksang tinatalakay at kung kalakip o hindi sa pahayag ang talata-por-talatang pagsasaalang-alang ng isang bahagi ng Salita ng Diyos ang titiyak sa dami ng mga kasulatan na maaaring hilingin na hanapin ng tagapakinig.

Mahalagang ingatan sa isip na ang isang layunin ng pagbasa ng ilang kasulatan ay upang patunayan na ang sinasabi ay nasa Bibliya. (Gawa 17:11) Ang isa pang layunin ay upang suriin ang maka-Kasulatang patotoo bilang suhay sa tinatalakay upang ang pananampalataya ng lahat ay mapatibay. Ang pagkakita mismo sa aktuwal na sinasabi ng Bibliya habang binabasa ang susing teksto ay makagagawa ng mas malalim na impresyon sa isipan. Bukod pa sa paghanap sa mga kasulatan, ang pagkuha ng mga nota at pagsubaybay sa daloy ng mga ideya ay kapaki-pakinabang.

Bagaman ang balangkas ng Samahan ay maaaring bumanggit ng maraming teksto sa Kasulatan sa pagbuo ng isang paksa, ang mga ito ay inilaan para sa kapakinabangan ng tagapagsalita, upang makatulong sa kaniya sa kaniyang paghahanda. Ang mga ito ay makapagbibigay ng mga saligang impormasyon at makatutulong sa kaniya upang maintindihang mabuti ang mga saligang simulain sa Kasulatan at upang maunawaan kung paano nabubuo ang paksa. Titiyakin ng tagapagsalita kung aling teksto ang mahalaga sa pagbuo ng pahayag at aanyayahan ang tagapakinig na sumubaybay sa kaniya habang ang gayong mga teksto ay binabasa at ipinaliliwanag. Ang iba pang teksto na sumusuhay sa materyal ay maaaring banggitin at bigyan ng pagpapakahulugan, subalit sa ganitong mga kaso ay hindi na kailangan pang hanapin ang mga ito ng tagapakinig.

Kapag binabasa ng tagapagsalita ang piniling mga kasulatan, ginagawa niya ito nang tuwiran mula sa Bibliya at hindi mula sa isang kopya na galing sa computer. Kapag inaanyayahan ng tagapagsalita ang tagapakinig na sumubaybay sa pagbasa, binabanggit niya nang maliwanag ang aklat ng Bibliya, ang kabanata, at ang (mga) talata. Sa pamamagitan ng paghinto sumandali upang magbangon ng isang tanong o upang magkomento nang maikli kung bakit babasahin ang teksto, binibigyan niya ng panahon ang tagapakinig na makita ang kasulatan. Ang pag-uulit sa teksto ay makatutulong sa tagapakinig na matandaan ang reperensiya. Gayunman, hindi inirerekomenda na banggitin ang numero ng pahina, yamang ang mga ito ay hindi pare-pareho, depende sa partikular na edisyon na ginagamit ng mga indibiduwal na tagapakinig. Ang paghahanap sa mga kasulatan kapag inaanyayahang gawin iyon ay nakatutulong sa tagapakinig na makinabang mula sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos habang ito ay ipinaliliwanag sa panahon ng pahayag.—Heb. 4:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share