Pagkatuto Mula sa Video na The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy
Matapos panoorin ang video na ito, masasagot mo ba ang mga katanungang ito? (1) Sino ang Pinagmulan ng mapagkakatiwalaang impormasyon ng Bibliya? (Dan. 2:28) (2) Paanong tumpak na inilalarawan ng Bibliya ang sinaunang Ehipto, at paano natupad ang hula na nakaulat sa Isaias 19:3, 4? (3) Paano pinatunayan ng arkeolohiya ang paglalarawan ng Bibliya sa mga taga-Asirya, sa kanilang mga hari, at sa wakas ng Asirya? (Na. 3:1, 7, 13) (4) Anong mga hula may kinalaman sa Babilonya ang napatunayang mapagkakatiwalaan? (5) Ano ang naging epekto ng Medo-Persia sa bayan ng Diyos? (6) Paano natupad ang Daniel 8:5, 8, at gaano kaaga ito inihula? (7) Paano napatunayang si Jesus ang tunay na Mesiyas? (8) Alin sa mga pulitikal na kapangyarihan sa kasalukuyan ang tumutupad sa mga hulang masusumpungan sa Apocalipsis 13:11 at 17:11? (9) Anong mga eksena sa video ang nagpapatunay sa pagiging totoo ng Eclesiastes 8:9? (10) Paano pinatibay ng palabas na ito ang iyong paniniwala sa mga pangako ng Bibliya para sa hinaharap? (11) Paano mo magagamit ang kasangkapang ito upang kumbinsihin ang iba na ang Bibliya ay nagmula sa Diyos?