Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/01 p. 8
  • Si Jehova ang Nagbibigay ng Kapangyarihan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Jehova ang Nagbibigay ng Kapangyarihan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Pinalalakas ni Jehova ang Pagod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • “Saliksikin Ninyo si Jehova at ang Kaniyang Lakas”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Papalakasin Ka ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Pagpapanumbalik-Lakas, Hindi Panghihina
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 2/01 p. 8

Si Jehova ang Nagbibigay ng Kapangyarihan

1 Ano ang inyong impresyon kay apostol Pablo? Habang binabasa natin ang aklat ng Mga Gawa, napahahalagahan natin kung gaano siya kasipag sa paglilingkod kay Jehova. Paano naisakatuparan ni Pablo ang lahat ng kaniyang ginawa? Sinabi niya: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” (Fil. 4:13) Tayo man ay maaaring makinabang mula sa kapangyarihang ibinibigay ni Jehova. Paano? Sa pamamagitan ng pagsasamantala sa anim na probisyon na ginagawa niya para sa atin upang tayo ay sumigla at lumakas sa espirituwal.

2 Salita ng Diyos: Kung paanong tayo ay kumakain upang manatiling malakas sa pisikal, kailangang pakanin natin ang ating sarili ng Salita ng Diyos upang manatiling buháy sa espirituwal. (Mat. 4:4) Ang Bibliya ay nagbibigay ng kapangyarihan upang palakasin tayo. Upang mapanatili ang ating sigasig at sigla sa katotohanan, kailangan nating isagawa ang makabuluhang personal na pag-aaral at pagbubulay-bulay, araw-araw hangga’t maaari.​—Awit 1:​2, 3.

3 Panalangin: Mahalaga na maging malapit kay Jehova, lalo na sa mga panahon ng pantanging pangangailangan. Sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, siya’y nagbibigay ng nagpapalakas na kapangyarihan sa mga humihingi nito sa kaniya sa panalangin. (Luc. 11:​13; Efe. 3:16) Pinasisigla tayo ng Kasulatan na ‘magmatiyaga sa pananalangin.’ (Roma 12:12) Ginagawa mo ba iyon?

4 Ang Kongregasyon: Kumukuha rin tayo ng kalakasan at pampatibay-loob mula sa mga pulong ng kongregasyon at mula sa masiglang pakikipagsamahan na ating tinatamasa doon sa piling ng ating mga kapatid na lalaki at babae. (Heb. 10:​24, 25) Kapag tayo ay may problema, pinatitibay tayo at maibiging tinutulungan nila.​—Kaw. 17:​17; Ecles. 4:10.

5 Ang Ministeryo sa Larangan: Ang regular na pakikibahagi sa ministeryo ay tumutulong sa atin upang manatiling nakatuon ang ating pansin sa Kaharian at sa mga pagpapala nito. Sumisigla ang ating espiritu kapag tinutulungan natin ang iba na matuto ng tungkol kay Jehova. (Gawa 20:35) Hindi tayo makalilipat upang maglingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan o makibahagi sa buong panahong paglilingkod, subalit maaari tayong magkaroon ng makabuluhang bahagi sa ministeryo sa ibang paraan.​—Heb. 6:​10-12.

6 Kristiyanong mga Tagapangasiwa: Tayo ay nakikinabang sa pampatibay-loob at tulong na ibinibigay ng matatanda. Sila ay inatasan ni Jehova upang magpastol sa kawan ng Diyos na nasa kanilang pangangalaga. (1 Ped. 5:2) Ang mga naglalakbay na tagapangasiwa ay nagpapatibay sa kongregasyong kanilang pinaglilingkuran, kagaya ng ginawa ni Pablo noong kaniyang kapanahunan.​—Roma 1:​11, 12.

7 Mga Halimbawa ng mga Tapat: Nakapagpapalakas na isaalang-alang ang nakapagpapasiglang mga halimbawa ng tapat na mga kamanggagawa, kapuwa sinauna at makabago. (Heb. 12:1) Kung nais mong sumigla, bakit hindi magbasa ng isa sa mga nakapagpapatibay na mga kuwento ng buhay sa ating mga magasin, ng isang nakapagpapatibay na ulat sa Yearbook, o ng ilang kapana-panabik na ulat ng makabagong kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa aklat na Tagapaghayag?

8 Isang kapatid na lalaki, na ngayo’y nasa mga 95 na, ang tumanggap ng katotohanan noong siya’y binatilyo. Samantalang nasa kabataan pa siya, ang kaniyang pananampalataya ay nalagay na sa pagsubok. Una sa lahat, ang ilan na noo’y aktibong sumasama sa kongregasyon ay umalis na sa organisasyon ni Jehova. Pagkatapos ay naririyan ang gawaing pagbabahay-bahay, na nasumpungan niyang mahirap. Gayunman, lagi siyang umaasa kay Jehova. Di-nagtagal at siya’y nasiyahan na sa ministeryo. At sa ngayon? Sa kabila ng humihinang kalusugan, siya’y miyembro pa rin ng pamilyang Bethel sa Brooklyn at naglilingkod bilang isa sa Lupong Tagapamahala. Hindi siya nagsisisi sa pananatili sa organisasyon ni Jehova.

9 Isang sister na miyembro ng pamilyang Bethel sa Britanya ang nabautismuhan noong siya’y 13. Siya’y nagpasimulang magpayunir kasama ng kaniyang kapatid na lalaki noong sumunod na taon, at sa taon pagkatapos nito, ang kaniyang ama ay nabilanggo dahil sa kaniyang pagiging neutral noong Digmaang Pandaigdig II. Patuloy siyang umasa kay Jehova ukol sa kapangyarihan, at siya’y patuloy na naglingkod sa tunay na Diyos. Sa kalaunan, siya’y nag-asawa ng isang tapat na kapatid, at sila’y magkasamang nagpatuloy sa paggawa ng kalooban ni Jehova. Pagkalipas ng 35 taon ng pag-aasawa, ang kaniyang asawa ay biglang namatay. Siya’y muling kumuha ng kalakasan mula kay Jehova, at siya’y patuloy na nakapaglilingkod hanggang sa araw na ito, anupat tumitingin sa hinaharap ukol sa walang hanggang paglilingkuran bilang isang miyembro ng makalupang pamilya ni Jehova.

10 Tinutulungan at pinalalakas ni Jehova ang kaniyang tapat na mga lingkod. “Siya ay nagbibigay ng lakas sa pagod; at ang isa na walang dinamikong lakas ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan.” Matatamo natin ang walang hangganang bukal na ito ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsasamantala sa anim na probisyong nabanggit sa itaas. Tandaan: “Yaong mga umaasa kay Jehova ay magpapanibagong-lakas. . . . Sila ay tatakbo at hindi manlulupaypay; sila ay lalakad at hindi mapapagod.” (Isa. 40:​29-31) Si Pablo ay lubusang umasa kay Jehova ukol sa kalakasan, at kailangan din nating gawin iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share