Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/01 p. 8
  • Abutin ang Puso ng Iyong Estudyante

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Abutin ang Puso ng Iyong Estudyante
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Abutin ang Puso ng Inyong Estudyante sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Bigyang-Pansin ang Iyong “Sining ng Pagtuturo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Tulungan ang Bible Study Mo na Mabautismuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Tulungan ang mga Bible Study na Sumulong at Magpabautismo—Bahagi 2
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 6/01 p. 8

Abutin ang Puso ng Iyong Estudyante

1 Bago umakyat sa langit, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ituro sa iba na “tuparin” ang lahat ng mga bagay na iniutos niya. (Mat. 28:​19, 20) Upang ‘matupad’ ng isa ang mga iniutos ni Kristo, ang impormasyon ay kailangang umabot sa kaniyang puso. (Awit 119:112) Paano mo magaganyak ang puso ng isa na pinagdarausan mo ng pag-aaral sa Bibliya?

2 Manalangin Ukol sa Patnubay ni Jehova: Ang paggawa ng mga alagad ay gawain ng Diyos. Ang kaniyang pagpapala, hindi ang ating kakayahan, ang kailangan sa ikatatagumpay nito. (Gawa 16:14; 1 Cor. 3:7) Kaya, ang pananalangin ukol sa tulong ni Jehova sa pagtuturo ng katotohanan sa iba ay mahalaga.​—Isa. 50:4.

3 Alamin Kung Ano ang Pinaniniwalaan ng Estudyante: Ang pag-alam sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao at kung bakit nila pinaniniwalaan iyon ay magbibigay sa atin ng unawa kung ano ang sasabihin upang maabot ang kanilang puso. Bakit nakaakit sa isang estudyante ang isang partikular na turo? Ano ang kumumbinsi sa kaniya na iyon ay kapani-paniwala? Ang gayong kaalaman ay makatutulong sa atin na magsalita nang may kaunawaan.​—Gawa 17:​22, 23.

4 Gumawa ng Isang Lohikal, Maka-Kasulatang Argumento: Ang katotohanan ay dapat na maging makatuwiran sa estudyante. (Gawa 17:24-31) Dapat tayong magbigay ng mabuting dahilan para sa ating pag-asa. (1 Ped. 3:15) Gayunman, laging gawin iyon sa isang mabait at matiyagang paraan.

5 Patibayin Iyon sa Pamamagitan ng mga Ilustrasyon: Hindi lamang pinadadali ng mga ilustrasyon ang pagkaunawa rito ng estudyante kundi nakaaantig din ito ng mga damdamin. Naaapektuhan nito kapuwa ang isip at ang puso. Si Jesus ay madalas na gumamit ng mga ito. (Mar. 4:​33, 34) Sabihin pa, upang maging mabisa, ang ginagamit na ilustrasyon ay dapat na angkop sa tinatalakay na punto, at ito’y dapat na may kaugnayan sa buhay ng estudyante.

6 Ipakita ang mga Kapakinabangan ng Pagtanggap sa Katotohanan: Nais malaman ng mga tao ang mga kapakinabangan ng pagkakapit sa kanilang natututuhan. Tulungan ang iyong estudyante na makita ang karunungan ng mga salita ni Pablo sa 2 Timoteo 3:14-17.

7 Huwag masiraan ng loob kung ang ilan ay hindi tumugon sa iyong pagtuturo. Hindi lahat ng puso ay tatanggap. (Mat. 13:15) Gayunman, ang ilang indibiduwal ay nagiging mga mananampalataya. (Gawa 17:32-34) Ang mga pagsisikap mo na abutin ang mga puso taglay ang mabuting balita ay makatulong nawa sa marami pa na tumanggap at ‘tumupad’ sa iniutos ni Jesus.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share