Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/01 p. 8
  • Kumakain Ka Bang Mabuti sa Espirituwal?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kumakain Ka Bang Mabuti sa Espirituwal?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Kumakain Ka Bang Mabuti sa Espirituwal?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kung Paano Magiging Balanse sa Pagkain
    Tanong ng mga Kabataan
  • Nakakatanggap Ka ba ng “Pagkain sa Tamang Panahon”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Higit Pang Pagsasaliksik sa Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 10/01 p. 8

Kumakain Ka Bang Mabuti sa Espirituwal?

1 May kasabihan na ‘makikilala tayo sa ating kinakain.’ Tunay nga, ang ating pisikal na lakas at kalusugan ay apektado ng ating kinaugalian sa pagkain. Yamang sinabi ni Jesus: “Ang tao ay mabubuhay, hindi sa tinapay lamang, kundi sa bawat pananalitang lumalabas sa bibig ni Jehova,” ang ating kinaugalian sa espirituwal na pagkain ay nakaaapekto rin sa ikabubuti o sa ikasasamâ natin. (Mat. 4:4) Kaya, kumakain ka bang mabuti sa espirituwal? Ikaw ba ay pihikan? Nagmamadali ka ba sa pagkain? O nasisiyahan kang dahan-dahang magtamasa ng regular, timbang, at nakapagpapalusog na mga pagkaing espirituwal?

2 Suriing Mabuti ang Iyong Pagkain: Si Jehova ay naglalaan ng “pagkain sa tamang panahon” at ng “isang piging ng mga putaheng malangis,” sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45; Isa. 25:6) Upang lubusang makinabang sa maibiging mga paglalaang ito, kailangan tayong magsikap na kumaing mabuti sa espirituwal.

3 Maaari mong tanungin ang iyong sarili: ‘Binabasa ko ba ang teksto at mga komento sa bawat araw? Binabasa ko ba at binubulay-bulay ang Bibliya araw-araw? Ako ba ay naghahanda para sa mga pulong ng kongregasyon sa pamamagitan ng patiunang pag-aaral ng materyal? Natapos ko na bang basahin ang ating pinakabagong mga publikasyon, lakip na ang Hula ni Isaias​—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan?’

4 Si Jesus ay nangako: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan . . . Maligaya yaong mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, yamang sila ay bubusugin.” (Mat. 5:​3, 6) Kaya kumaing mabuti sa espirituwal sa pamamagitan ng pagpunô sa iyong isip at puso ng kaalaman ng Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share