Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/02 p. 1
  • Ihayag ang Mensahe ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ihayag ang Mensahe ng Kaharian
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Katotohanan Tungkol sa Kaharian ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Isang Kaharian na “Hindi Magigiba Kailanman”
    Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos
  • Ang Mensahe na Dapat Nating Ipahayag
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 12/02 p. 1

Ihayag ang Mensahe ng Kaharian

1 “Dapat kong ipahayag ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos, sapagkat sa dahilang ito ako isinugo.” (Luc. 4:43) Sa pamamagitan ng mga salitang iyan, tinukoy ni Jesus ang tema ng kaniyang ministeryo​—ang Kaharian ng Diyos. Ang mensahe na ating ipinahahayag sa ngayon ay nakasentro rin sa Kaharian, gaya ng inihula sa Mateo 24:14: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” Anong mga katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos ang kailangang marinig ng mga tao?

2 Ang Kaharian ng Diyos ay namamahala na ngayon mula sa langit at malapit na nitong halinhan ang lahat ng pamamahala ng tao. Ang Diyablo ay pinalayas na mula sa langit, at ang kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay ay nasa mga huling araw na nito. (Apoc. 12:​10, 12) Ang balakyot na lumang sistema ni Satanas ay lubusang pupuksain, ngunit ang Kaharian ng Diyos ay hindi matitinag. Mananatili ito magpakailanman.​—Dan. 2:44; Heb. 12:28.

3 Bibigyang-kasiyahan ng Kaharian ang mabubuting mithiin ng lahat ng masunuring tao. Maglalaan ito ng kaginhawahan mula sa pagdurusa na dulot ng digmaan, krimen, paniniil, at karukhaan. (Awit 46:​8, 9; 72:12-14) Magkakaroon ng saganang pagkain para sa lahat. (Awit 72:16; Isa. 25:6) Magiging malayong alaala na lamang ang mga sakit at kapansanan. (Isa. 33:24; 35:​5, 6) Habang unti-unting nagiging sakdal ang sangkatauhan, ang lupa ay magiging isang paraiso, at ang mga tao ay mamumuhay nang magkakasuwato.​—Isa. 11:6-9.

4 Ating ipinakikita na nais nating maging mga sakop ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay natin sa ngayon. Ang mensahe ng Kaharian ay dapat makaimpluwensiya sa ating buong landasin ng buhay, lakip na sa ating mga tunguhin at mga priyoridad. Halimbawa, bagaman may obligasyon tayo na paglaanan ang ating sambahayan, hindi natin papayagang sakalin ng materyal na mga alalahanin ang mga kapakanan ng Kaharian. (Mat. 13:22; 1 Tim. 5:8) Sa halip, kailangan nating sundin ang paalaala ni Jesus: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng iba pang mga bagay na ito [materyal na mga pangangailangan sa buhay] ay idaragdag sa inyo.”​—Mateo 6:33.

5 Kailangang-kailangang mapakinggan ng mga tao ang mensahe ng Kaharian at kumilos alinsunod dito habang may panahon pa. Nawa’y tulungan natin sila na gawin ito sa pamamagitan ng ‘paggamit ng panghihikayat tungkol sa kaharian ng Diyos.’​—Gawa 19:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share