Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/03 p. 1
  • Pagtupad sa Ating Pag-aalay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagtupad sa Ating Pag-aalay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Patuloy na Maglingkod kay Jehova Nang May Matatag na Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Namumuhay Ka ba Ayon sa Iyong Pag-aalay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Pagtupad sa Ating Pag-aalay sa “Araw-Araw”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Bakit Dapat Mong Ialay ang Iyong Sarili kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 1/03 p. 1

Pagtupad sa Ating Pag-aalay

1 Ikaw man ay nabautismuhan kamakailan o maraming dekada na ang nakalipas, malamang na naaalaala mo ang mahalagang pangyayaring iyan sa iyong buhay. Ang ating bautismo ay hindi siyang wakas, kundi sa halip, pasimula ng isang panghabang-buhay at nakatalagang paglilingkod na maaaring mamalagi magpakailanman. (1 Juan 2:17) Ano ang nasasangkot sa pagtupad sa ating pag-aalay?

2 Sundin ang Halimbawa ni Kristo: Pagkatapos mabautismuhan, ‘pinasimulan ni Jesus ang kaniyang gawain,’ na inihahayag “ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos.” (Luc. 3:23; 4:43) Sa katulad na paraan, nang sagisagan natin ang ating pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng bautismo, tayo ay naging ordenadong mga ministro ng mabuting balita. Bagaman kailangang gumugol ng malaking panahon at pagsisikap upang matamo ang materyal na mga pangangailangan sa buhay, ang ating pangunahing gawain ay ang ministeryong Kristiyano. (Mat. 6:33) Sa halip na sikaping magtamo ng kayamanan o kabantugan, yaong mga nakaalay sa Diyos ay nagsisikap na ‘luwalhatiin ang kanilang ministeryo,’ gaya ng ginawa ni apostol Pablo. (Roma 11:13) Pinahahalagahan mo ba ang iyong pribilehiyo na paglingkuran si Jehova at ginagawa ang pinakamainam ukol dito?

3 Gaya ng halimbawa ni Jesus, kailangan nating “salansangin . . . ang Diyablo.” (Sant. 4:7) Tinukso ni Satanas si Jesus pagkatapos ng Kaniyang bautismo, at kaniya ring pinupuntirya ang nakaalay na mga lingkod ni Jehova sa ngayon. (Luc. 4:1-13) Palibhasa’y nakapalibot sa atin ang sanlibutan ni Satanas, kailangan tayong magkaroon ng disiplina sa sarili, anupat iniiwasan ang anumang bagay na magpaparumi sa ating isip o makasásamâ sa ating puso. (Kaw. 4:23; Mat. 5:​29, 30) Pinayuhan ang mga Kristiyano na “hindi [sila] maaaring makibahagi sa ‘mesa ni Jehova’ at sa mesa ng mga demonyo.” (1 Cor. 10:21) Humihiling ito na maging mapagbantay tayo laban sa nakasasamang libangan, masasamang kasama, at mga panganib sa Internet. Humihiling din ito na iwasan natin ang apostatang babasahin. Ang pagiging alerto sa mga ito at sa iba pang mga taktika ni Satanas ay tutulong sa atin na matupad ang ating pag-aalay.

4 Gamitin ang mga Paglalaan ng Diyos: Upang matulungan tayong tuparin ang ating pag-aalay, naglaan si Jehova ng tulong sa pamamagitan ng kaniyang Salita at ng kongregasyong Kristiyano. Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na rutin ang pagbabasa ng Bibliya at pananalangin kay Jehova. (Jos. 1:8; 1 Tes. 5:17) Magkaroon ng kaluguran sa mga pagpupulong sa kongregasyon. (Awit 122:1) Makisama sa mga natatakot kay Jehova at tumutupad sa kaniyang mga pag-uutos.​—Awit 119:63.

5 Sa tulong ng Diyos, matutupad mo ang iyong pag-aalay kay Jehova at matatamo ang kagalakan na mapaglingkuran siya magpakailanman.​—Awit 22:​26, 27; Fil. 4:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share