Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/03 p. 8
  • Pagpapakilala sa Banal na Pangalan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapakilala sa Banal na Pangalan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Dinadakila ni Jehova ang Kaniyang Pangalan
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Parangalan ang Dakilang Pangalan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Pangalan ng Diyos
    Gumising!—2017
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 6/03 p. 8

Pagpapakilala sa Banal na Pangalan

1. Ano ang maaaring maging epekto sa mga tao ng pagkaalam sa personal na pangalan ng Diyos?

1 Paano ka tumugon nang una mong malaman ang pangalan ng Diyos? Ang reaksiyon ng marami ay katulad ng reaksiyon ng isang babae na nagsabi: “Nang una kong makita ang pangalan ng Diyos sa Bibliya, umiyak ako. Lubha akong naantig sa pagkaalam na puwede ko pala talagang malaman at gamitin ang personal na pangalan ng Diyos.” Para sa kaniya, ang pagkaalam sa banal na pangalan ay isang mahalagang hakbang sa pagkilala kay Jehova bilang isang persona at sa pagkakaroon ng kaugnayan sa kaniya.

2. Bakit apurahan na ituro natin sa iba ang tungkol kay Jehova?

2 Bakit Ito Ipakikilala? Kaugnay sa pagkaalam sa pangalan ng Diyos ang pagkatuto hinggil sa kaniyang mga katangian, layunin, at mga gawa. Nauugnay rin dito ang kaligtasan. “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas,” ang isinulat ni apostol Pablo. Ngunit “paano sila tatawag sa kaniya,” ang katuwiran ni Pablo, malibang malaman muna ng mga tao ang tungkol kay Jehova at manampalataya sa kaniya? Kaya naman, apurahan para sa mga Kristiyano na ipakilala sa iba ang pangalan ng Diyos at ang lahat ng kinakatawanan nito. (Roma 10:13, 14) Gayunman, may mas malaki pang dahilan kung bakit dapat ipakilala ang banal na pangalan.

3. Ano ang ating pangunahing dahilan sa pangangaral?

3 Noong dekada ng 1920, naunawaan ng bayan ng Diyos mula sa Kasulatan ang pansansinukob na isyu na nagsasangkot sa pagbabangong-puri sa soberanya ng Diyos at sa pagpapabanal sa kaniyang pangalan. Bago lipulin ni Jehova ang balakyot upang alisin ang upasala na ginawa sa kaniyang pangalan, ang katotohanan tungkol sa kaniya ay dapat ‘ihayag sa buong lupa.’ (Isa. 12:4, 5; Ezek. 38:23) Kung gayon, ang ating pangunahing dahilan sa pangangaral ay upang purihin si Jehova sa madla at upang pakabanalin ang kaniyang pangalan sa buong sangkatauhan. (Heb. 13:15) Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa ang magpapakilos sa atin na makibahagi nang lubusan sa bigay-Diyos na gawaing ito.

4. Paano nakilala ang mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pangalan ng Diyos?

4 “Isang Bayan Ukol sa Kaniyang Pangalan”: Noong 1931 ay tinanggap natin ang pangalang mga Saksi ni Jehova. (Isa. 43:10) Mula noon, ipinakilala ng bayan ng Diyos ang banal na pangalan nang gayon na lamang kalawak anupat ganito ang sinabi ng aklat na Tagapaghayag, sa pahina 124: “Sa buong daigdig, ang sinumang malayang gumagamit ng pangalang Jehova ay madaling nakikilala bilang isa sa mga Saksi ni Jehova.” Ganiyan ba ang pagkakilala sa iyo? Ang pasasalamat sa kabutihan ni Jehova ay dapat magpakilos sa atin na ‘pagpalain ang kaniyang pangalan,’ anupat nagsasalita ng tungkol sa kaniya sa bawat angkop na pagkakataon.​—Awit 20:7; 145:1, 2, 7.

5. Paano nasasangkot ang ating paggawi sa pagdadala ng pangalan ng Diyos?

5 Bilang “isang bayan ukol sa kaniyang pangalan,” dapat nating itaguyod ang kaniyang mga pamantayan. (Gawa 15:14; 2 Tim. 2:19) Madalas na ang unang napapansin ng mga tao sa mga Saksi ni Jehova ay ang kanilang mainam na paggawi. (1 Ped. 2:12) Hindi natin kailanman nais na lapastanganin ang kaniyang pangalan sa pamamagitan ng paghamak sa makadiyos na mga simulain o sa pamamagitan ng paggawang pangalawahin lamang sa ating buhay ang pagsamba sa kaniya. (Lev. 22:31, 32; Mal. 1:6-8, 12-14) Sa halip, ipakita nawa ng ating paraan ng pamumuhay na pinahahalagahan natin ang pribilehiyo ng pagdadala ng banal na pangalan.

6. Anong pribilehiyo ang maaari nating tamasahin ngayon at magpakailanman?

6 Sa ngayon, nakikita natin ang katuparan ng kapahayagan ni Jehova: “Mula sa sikatan ng araw hanggang sa lubugan nito ay magiging dakila ang aking pangalan sa gitna ng mga bansa.” (Mal. 1:11) Patuloy nawa nating ipaalam ang katotohanan tungkol kay Jehova at ‘pagpalain ang kaniyang banal na pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.’​—Awit 145:21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share