Pag-aalok ng Matuto Mula sa Dakilang Guro
◼ “Sa palagay mo kaya’y magiging mas mabuting dako ang lupa kung namumuhay ang mga tao ayon sa kasabihang ito? [Basahin ang Mateo 7:12a. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Naglalaman ang aklat na ito ng maraming aral mula sa pinakadakilang guro na nabuhay kailanman.” Itampok ang mga larawan at kapsiyon sa kabanata 17.
◼ “Sinisikap ng maraming magulang sa ngayon na ikintal sa kanilang mga anak ang kapaki-pakinabang na mga pamantayan. Sa palagay mo kaya’y mahalaga ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Kawikaan 22:6.] Pansinin na pinasisigla ang mga magulang na simulan ang pagsasanay sa kanilang mga anak sa murang edad. Dinisenyo ang aklat na ito upang tulungan sila na gawin ito.” Itampok ang mga larawan at kapsiyon sa mga kabanata 15, 18, o 32.
◼ “Kadalasang namamangha ang mga magulang sa mga itinatanong ng kanilang mga anak. Ang ilan sa mga tanong na iyon ay mahirap sagutin, hindi ba? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang 2 Timoteo 3:14, 15.] Mula sa pagkasanggol, tinuruan si Timoteo ng kaniyang ina at lola kung ano ang sinasabi ng Kasulatan. Matutulungan ng aklat na ito ang mga magulang sa ngayon na magawa rin ang gayong bagay sa kanilang mga anak.” Itampok ang ilan sa mga larawan at kapsiyon sa kabanata 11 at 12 o 34 hanggang 36.