Pinasisigla Tayo ng Pandistritong Kombensiyon na Lumakad na Kasama ng Diyos
Lubos ngang naitampok sa “Lumakad na Kasama ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon ang maliwanag na tagubilin ni Jehova: “Ito ang daan. Lakaran ninyo ito”! (Isa. 30:21) Ang pagkakapit sa mga tagubiling natanggap natin ay tutulong sa atin na ‘manatiling mahigpit na nagbabantay sa ating paglakad.’ (Efe. 5:15) Ang pagbubulay-bulay sa mga natutuhan natin ay aalalay sa atin habang ‘patuloy tayong lumalakad sa katotohanan.’—3 Juan 3.
Gamitin ang sumusunod na mga tanong gayundin ang iyong personal na mga nota sa paghahanda at pakikibahagi sa repaso sa programa ng kombensiyon para sa taóng ito. Gaganapin ang repaso sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Pebrero 21.
1. Paano nagawang lumakad ni Enoc na kasama ng Diyos bagaman namumuhay siya sa maligalig na panahon? (Heb. 11:1, 5, 6; Jud. 14, 15; “Lumakad na Kasama ng Diyos sa Maligalig na Panahon”)
2. Sa anu-anong pitak ng buhay maikakapit ang simulain sa Lucas 16:10? (“Ikaw ba ay ‘Tapat sa Pinakakaunti’?”)
3. (a) Banggitin ang apat na praktikal na aral na masusumpungan sa Oseas kabanata 6 hanggang 9 na tutulong sa atin na lumakad na kasama ng Diyos. (Os. 6:6, 7; 7:14; 8:7) (b) Ano pang mga punto mula sa Oseas kabanata 10 hanggang 14 ang tumutulong sa atin na lumakad na kasama ng Diyos? (“Ang Hula ni Oseas ay Tumutulong sa Atin na Lumakad na Kasama ng Diyos”—Simposyum)
4. Anong praktikal na mga bagay ang maaaring gawin ng Kristiyanong mga asawang lalaki at babae upang mapanatiling matibay ang kanilang pagsasama? (Kaw. 12:4; Efe. 5:29; “Huwag Paghiwalayin ‘ang Pinagtuwang ng Diyos’”)
5. Paano tayo nagpapakita ng paggalang sa ating sagradong mga pagtitipon? (Ecles. 5:1; Isa. 66:23; “Pagpapakita ng Paggalang sa Ating Sagradong mga Pagtitipon”)
6. (a) Anong tatlong mahahalagang aspekto ng ating gawaing pangangaral ang dapat nating suriin upang tiyaking makabuluhan ang pakikibahagi natin dito? (Isa. 52:7; Zac. 8:23; Mar. 6:34) (b) Anu-anong bahagi ng publikasyong Good News for People of All Nations ang nasumpungan mo na lubhang kapaki-pakinabang? (“Mabuting Balita Para sa mga Tao ng Lahat ng Bansa”; “Tinutulungan ang mga Nagsasalita ng Ibang Wika”)
7. Paano natin matutulungan ang mga baguhan na magkaroon ng kumpiyansa sa paghaharap ng mensahe ng Kaharian? (Huk. 7:17; “Tinutulungan ang mga Karamihan na Sumama sa Atin sa Ministeryo”)
8. Paano natin ipinakikita na nananalig tayong “ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na”? (Zef. 1:14; “Lumalakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya, Hindi sa Pamamagitan ng Paningin”)
9. (a) Gaano kaselan ang pagkatisod? (Mar. 9:42-48) (b) Paano natin maiiwasan ang matisod? (Awit 119:165) (c) Paano natin maiiwasang makatisod sa iba? (1 Cor. 10:24; “Iwasan ang ‘Anumang Dahilan na Ikatitisod’”)
10. Paano natin mapananatili ang ating pagkatimbang pagdating sa paghahanap ng mapapangasawa, pagtataguyod ng mabuting kalusugan, at paghawak sa negosyo? (Awit 26:4; Mat. 6:25; 1 Tim. 6:9; “Panatilihing Lubos ang Inyong Katinuan”)
11. (a) Ano ang kapansin-pansin hinggil sa mga pagkakataon na pinaunlakan ni Jesus ang pagkamapagpatuloy ng iba? (Lucas 10:42; 24:32) (b) Paano natin masasapatan ang ating pangangailangan sa paglilibang sa paraan na nakapagpapaginhawa sa atin at sa iba? (1 Cor. 10:31-33; “Mabubuting Gawain na Nakapagpapaginhawa”)
12. Ayon sa ika-23 Awit, anu-ano ang mga pagpapalang tinatanggap natin bilang mga tupa ni Jehova, at anu-ano ang ating mga pananagutan? (1 Cor. 10:21; “Si Jehova ang Ating Pastol”)
13. Paano sinusunod ng mga Kristiyano ang kinasihang payo na ‘bilhin ang naaangkop na panahon’? (Efe. 5:16; “Binibili ang Naaangkop na Panahon”)
14. (a) Ano ang saklaw ng “oras ng paghatol” na binanggit sa Apocalipsis 14:7? (b) Paano natin mapatutunayan na talagang hiwalay tayo sa Babilonyang Dakila? (“‘Patuloy Kayong Magbantay’—Sumapit Na ang Oras ng Paghatol”) (c) Anu-anong punto mula sa brosyur na Patuloy na Magbantay! ang nagustuhan mo?
15. Banggitin ang tatlong katangian na kailangan upang hindi natin ‘iwan ang tuwid na landas.’ (2 Ped. 2:15; “Magbantay Laban sa ‘Pag-iwan sa Tuwid na Landas’”)
16. Paano maiiwasan ng mga kabataan ang “landas ng mga balakyot”? (Kaw. 4:14; “Mga Kabataan—Lumakad sa Landas ng Katuwiran”)
17. (a) Sa anu-anong paraan mahusay na halimbawa sa pagbabata si Pablo? (Gawa 14:19, 20; 16:25-33) (b) Bakit walang dahilan upang matakot sa mga kaaway ng tunay na pagsamba? (Drama at pahayag na “Lubusang Magpatotoo Ngayon sa Kabila ng Pagsalansang”)
18. Anu-ano ang mga pagpapalang tinatanggap ng mga lumalakad na kasama ng Diyos? (“Ang Paglakad na Kasama ng Diyos ay Nagdudulot ng mga Pagpapala Ngayon at Magpakailanman”)
Maging determinado nawa tayong sumunod sa ‘salita sa likuran natin’ upang makalakad tayong kasama ng ating makalangit na Ama magpakailanman.—Isa. 30:21; Juan 3:36.