Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/04 p. 8
  • Pagpapatotoo sa mga Kamag-anak—Paano?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapatotoo sa mga Kamag-anak—Paano?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Kumusta ang Inyong mga Kamag-anak?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Diligin ang Iyong mga Kamag-anak ng Nakarerepreskong Tubig ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Pag-abot sa Puso ng mga Kamag-anak na Di-kapananampalataya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Maliligtas “ang mga Nakikinig sa Iyo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 12/04 p. 8

Pagpapatotoo sa mga Kamag-anak​—Paano?

1. Bakit kailangan ang kaunawaan kapag nagpapatotoo sa mga kamag-anak?

1 Wala nang pinakamaligayang sandali sa ating buhay kundi ang makapasok sa bagong sanlibutan na kasama ang ating mga mahal sa buhay, anupat kaisa nilang sumasamba kay Jehova! Maaaring magkatotoo ang pag-asang ito kung magpapatotoo tayo sa ating mga kamag-anak. Gayunman, kailangan ang kaunawaan upang magawa ito sa nakagiginhawang paraan. Isang tagapangasiwa ng sirkito ang nagsabi: “Napakaganda ng nagiging mga resulta ng pana-panahong pakikipag-usap sa mga kamag-anak hinggil sa mga paksang pupukaw ng kanilang interes.” Paano natin ito magagawa?

2. Paano makatutulong ang taimtim na pagmamalasakit sa ating mga kamag-anak upang mapukaw ang kanilang interes?

2 Pukawin ang Kanilang Interes: Pag-isipang mabuti kung paano mo mapupukaw ang interes ng iyong mga kamag-anak. (Kaw. 15:28) Ano ba ang mga ikinababahala nila? Anu-anong problema ang kinakaharap nila? Baka puwede mong ipakita sa kanila ang isang artikulo o banggitin ang isang magandang teksto hinggil sa isang paksa na gustung-gusto nila. Kung nasa malayo ang iyong mga kamag-anak, marahil ay magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagliham o pagtawag sa telepono. Unti-unting ihasik sa kanila ang mga binhi ng katotohanan, at iasa kay Jehova ang pagpapalago sa mga binhing iyon.​—1 Cor. 3:6.

3. Paano maaaring umakay sa pagpapatotoo ang interes sa atin ng ating mga kamag-anak?

3 Tinagubilinan ni Jesus ang lalaking pinalaya niya mula sa panliligalig ng maraming demonyo: “Umuwi ka sa iyong mga kamag-anak, at iulat mo sa kanila ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Jehova para sa iyo at ang awa na ipinakita niya sa iyo.” (Mar. 5:19) Isip-isipin na lamang ang posibleng naging epekto nito sa kaniyang mga kamag-anak! Kahit na wala kang lubhang kapansin-pansing karanasan, malamang na interesado naman ang iyong mga kamag-anak sa mga gawain mo at ng iyong mga anak. Ang pagbanggit sa pahayag na ginampanan mo sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, sa isang kombensiyon na iyong dinaluhan, sa pagdalaw mo sa Bethel, o sa isang mahalagang pangyayari sa iyong buhay ay maaaring magbukas ng daan upang higit mo pang masabi sa kanila ang hinggil kay Jehova at sa kaniyang organisasyon.

4. Anong mga patibong ang dapat nating iwasan kapag nagpapatotoo sa mga kamag-anak?

4 Gumamit ng Kaunawaan: Kapag nagpapatotoo sa mga kamag-anak, huwag ka naman masyadong maraming sinasabi agad sa kanila. Habang ginugunita ang panahon noong magsimula siyang mag-aral ng Bibliya, ganito ang inamin ng isang kapatid na lalaki: “Sa loob ng maraming oras, pinaulanan ko si Inay ng napakaraming paliwanag hinggil sa halos lahat ng bagay na natutuhan ko sa Bibliya, at madalas itong humahantong sa pakikipagtalo, lalo na kay Itay.” Kahit na nagpapakita ng interes sa mensahe ng Bibliya ang isang kamag-anak, sumagot sa paraang pupukaw sa pagnanais ng taong iyon na makaalam nang higit pa. (Kaw. 25:7) Laging maging magalang, mabait, at mapagpasensiya, gaya ng iyong ginagawa kapag nakikipag-usap sa ibang mga tao sa ministeryo.​—Col. 4:6.

5. Ano ang dapat nating gawin kung hindi mabuti ang pagtugon ng ating mga kamag-anak kapag nagpapatotoo tayo sa kanila?

5 Sa isang pagkakataon, inakala ng mga kamag-anak ni Jesus na nasisiraan na siya ng isip. (Mar. 3:21) Gayunman, naging mananampalataya ang ilan nang dakong huli. (Gawa 1:14) Kung sa simula ay hindi nagustuhan ng iyong mga kamag-anak ang ginawa mong pagsisikap na ibahagi sa kanila ang katotohanan, huwag kang susuko. Ang mga kalagayan at saloobin ay nagbabago. Patuloy na humanap ng mga pagkakataon upang ibahagi ang isang punto na maaaring pumukaw ng kanilang interes. Baka makamit mo rin ang kagalakan ng pagtulong sa kanila na tahakin ang landas patungo sa buhay na walang hanggan.​—Mat. 7:​13, 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share