Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/07 p. 3
  • Tulungan ang Iba na Maging Kaibigan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang Iba na Maging Kaibigan ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Papaano Ka Mápapalapít sa Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Bakit Dapat Tayong Manalangin Nang Walang Lubay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mga Magulang—Tulungan ang Inyong mga Anak na Mahalin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 8/07 p. 3

Tulungan ang Iba na Maging Kaibigan ng Diyos

1 Sa ngayon, ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay tinuturuan sa mga daan ni Jehova. (Isa. 2:2, 3) Gayunman, para ‘magbunga nang may pagbabata,’ dapat muna nilang ibigin si Jehova. (Luc. 8:15; Mar. 12:30) Kung wala ang pag-ibig na ito, hindi sila magkakaroon ng lakas para labanan ang di-kanais-nais na mga impluwensiya ni magkakaroon man sila ng tibay ng loob na gawin ang tama. Ang isang paraan para tulungan ang iba na magkaroon ng mabuting kaugnayan kay Jehova ay ang linangin sa kanila ang pagpapahalaga sa Kaniyang mga katangian. Pasiglahin sila na pag-isipang mabuti ang impormasyong nasa aklat na Maging Malapít kay Jehova.

2 Ang Iyong Halimbawa: Ang iyong ikinikilos ay may malaking epekto sa puso ng mga estudyante sa Bibliya. Kapag nakita nilang napakahalaga sa iyo ng pakikipagkaibigan kay Jehova at kung paano naaapektuhan nito ang iyong buhay, posibleng maudyukan silang magkaroon din mismo ng gayong kaugnayan. (Luc. 6:40) Oo, mas malakas ang impluwensiya ng ating halimbawa kaysa sa ating salita.

3 Ang isang pangunahing paraan upang maturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na ibigin si Jehova ay ang kanilang halimbawa. (Deut. 6:4-9) Isang mag-asawa na gustong mapalaki ang kanilang mga anak sa katotohanan ang humingi ng payo sa matagumpay na mga magulang. “Ang palaging binabanggit ng aking nakakausap ay ang halimbawa ng magulang,” ang sabi ng asawang lalaki. Samakatuwid, sa pamamagitan ng kanilang buong paraan ng pamumuhay, maibibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang isang buháy na halimbawa ng kahulugan ng pagiging “kaibigan ni Jehova.”—Sant. 2:23.

4 Taimtim na Pananalangin: Matutulungan mo rin ang iba na makipagkaibigan kay Jehova sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila na manalangin mula sa puso. Puwede mong itawag-pansin sa kanila ang modelong panalangin ni Jesus, gayundin ang maraming marubdob na panalanging nakaulat sa Kasulatan. (Mat. 6:9, 10) Matuturuan mong manalangin ang iyong mga anak at mga estudyante sa Bibliya sa pamamagitan ng iyo mismong mga panalangin. Kapag naririnig nila ang iyong taimtim na sinasabi, nadarama nila ang iyong damdamin kay Jehova. Pasiglahin silang ‘magmatiyaga sa pananalangin’ kapag napapaharap sila sa mga pagsubok. (Roma 12:12) Habang nadarama nila ang tulong ni Jehova sa panahon ng kagipitan, magtitiwala sila sa kaniya at iibigin nila siya bilang tunay na kaibigan.—Awit 34:8; Fil. 4:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share