Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/07 p. 1
  • Ipinagtatanggol Mo Ba ang Salita ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagtatanggol Mo Ba ang Salita ng Diyos?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Mapanghikayat sa Iyong Pagtuturo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Paghimok na Gamitin ang Bibliya
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • “Ang Salita ng Diyos ay . . . May Lakas”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Gamitin ang Bibliya sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 5/07 p. 1

Ipinagtatanggol Mo Ba ang Salita ng Diyos?

1 Sa isang daigdig na karaniwang kumukuwestiyon sa awtoridad ng Bibliya, masigasig na ipinagtatanggol ng tunay na mga Kristiyano ang Salita ng Diyos. Yamang kumbinsido tayo na “lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” sang-ayon tayo kay Jesu-Kristo na nagpatotoo sa panalangin kay Jehova: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (2 Tim. 3:16; Juan 17:17) Paano natin mahusay na maipagtatanggol ang Salita ng Diyos?

2 Isaulo ang mga Teksto: Tiyak na pinag-aralang mabuti ni Jesus ang Salita ng Diyos. Dahil dito, nakapagturo siya mula sa Kasulatan sa buong ministeryo niya. (Luc. 4:16-21; 24:44-46) Paano natin matatandaan ang maraming teksto? Magagawa natin ito kung babasahin natin ang Bibliya araw-araw at bubulay-bulayin natin ang isang talata na talagang nakapagpapatibay sa atin o magagamit natin sa ministeryo. Kapag naghahanda para sa mga pulong, dapat nating basahin sa Bibliya mismo ang binanggit na mga teksto at marahil ay maghanda ng komento tungkol dito. Kapag dumadalo sa mga pulong, dapat nating subaybayan sa ating Bibliya ang mga tekstong binabasa ng tagapagsalita. Ang pag-aaral ng mga teksto sa Bibliya ay maghahanda sa atin na ‘gamitin nang wasto ang salita ng katotohanan.’—2 Tim. 2:15.

3 Hayaang Bibliya Mismo ang Magsalita: Habang nangangaral, dapat nating hayaang Bibliya mismo ang magsalita. Halimbawa, kung ipinahihintulot ng kalagayan, dapat nating sikaping magbasa at magpaliwanag ng isang teksto sa may-bahay. Kung magbangon siya ng tanong o pagtutol, pinakamainam na gamitin ang Bibliya sa pagsagot. Kung abala ang may-bahay, maaari pa rin nating itampok ang Bibliya sa pagsasabing, “Bago po ako umalis, nais ko pong basahin sa inyo ang isang tekstong ito.” Kailanma’t posible, basahin mismo ang Bibliya, habang sinusubaybayan ng tagapakinig ang binabasa mo.

4 Nang ipakita sa isang may-bahay ang mga teksto na nagpapabulaan sa Trinidad, nasabi niya, “Nagsisimba ako sa buong buhay ko, pero wala akong kaalam-alam na ito pala ang sinasabi ng Bibliya!” Agad siyang pumayag na mag-aral ng Bibliya. Sinabi ni Jesus na makikinig sa kaniyang tinig ang mga tupa niya. (Juan 10:16, 27) Ang pinakamabuting paraan para makilala ng tapat-pusong mga tao ang katotohanan ay mabasa ito mismo mula sa Kasulatan. Kaya ipagtanggol natin ang Salita ng Diyos na katotohanan!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share