Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/08 p. 4
  • Turuan ang Iba na Ibigin si Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Turuan ang Iba na Ibigin si Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Ibigin ang Diyos na Umiibig sa Iyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • ‘Ibigin Mo si Jehova na Iyong Diyos’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Tularan si Jesus—Magturo Nang May Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Huwag Mong Hayaang Lumamig ang Iyong Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 9/08 p. 4

Turuan ang Iba na Ibigin si Jehova

1. Ano ang gumanyak sa ilan na maging malapít kay Jehova?

1 Natatandaan mo ba ang kauna-unahang pagkakataon na narinig mo ang tungkol kay Jehova? Ano ang gumanyak sa iyo na maging malapít sa kaniya? Maraming tapat-pusong mga tao ang magsasabi sa iyo na naging malapít sila sa Maylalang dahil nalaman nila ang kaniyang walang-kaparis na mga katangian, lalo na ang kaniyang pagkamahabagin at pag-ibig.—1 Juan 4:8.

2, 3. Paano natin magagamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya para tulungan ang mga estudyante sa Bibliya na higit pang ibigin si Jehova?

2 “Ito ang Ating Diyos”: Itinatampok ng aklat na Itinuturo ng Bibliya ang pag-ibig ni Jehova at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng personal na kaugnayan sa kaniya. Paano natin magagamit ang publikasyong ito para tulungan ang iba na higit pang ibigin ang Diyos? Kapag idiniriin sa estudyante ang isang bagong punto, maaari tayong magbangon ng mga tanong na tutulong sa kaniyang mag-isip, gaya ng: “Ano ang itinuturo ng katotohanang ito tungkol kay Jehova?” o “Paano pinatutunayan ng puntong ito na si Jehova ang pinakamabait na Ama na mahihiling ng sinuman?” Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang estudyante na magkaroon ng habang-buhay na kaugnayan kay Jehova.

3 Kapag tinutulungan natin ang mga estudyante sa Bibliya na maunawaang napakalaking pribilehiyo ang kumuha ng kaalaman hinggil sa tanging tunay at buháy na Diyos, kikilalanin nila si Jehova, gaya rin ni Isaias na nagsabi, “ito ang ating Diyos.” (Isa. 25:9) Kapag ipinaliliwanag natin sa kanila ang Salita ng Diyos, kailangan nating idiin kung paano pagpapalain ang sangkatauhan kapag natupad na ang mga layunin ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang maharlikang pamahalaan sa ilalim ni Kristo Jesus.—Isa. 9:6, 7.

4, 5. Ano ang ibig sabihin ng pag-ibig kay Jehova?

4 Katunayan ng Pag-ibig kay Jehova: Alam natin na ang pag-ibig kay Jehova nang buong puso, kaluluwa, at pag-iisip ay hindi lamang basta pagkakaroon ng masidhing damdamin sa kaniya. Dapat din nating tularan ang kaniyang pag-iisip. (Awit 97:10) Napatutunayan na talagang iniibig natin ang Diyos kung mahigpit nating sinusunod ang kaniyang mga utos at patuloy tayong nagpapakita ng “banal na mga paggawi at mga gawa ng makadiyos na debosyon,” maging sa harap ng mga pagsubok at pagsalansang.—2 Ped. 3:11; 2 Juan 6.

5 Kasiya-siya ang paggawa ng kalooban ng Diyos kung iniibig natin siya. (Awit 40:8) Kailangang maunawaan ng estudyante sa Bibliya na ang lahat ng utos ng Diyos ay para sa walang-hanggang kinabukasan ng Kaniyang mga lingkod. (Deut. 10:12, 13) Kung mamumuhay ang isa ayon sa patnubay ni Jehova, ipinapakita niya na talagang nagpapahalaga siya sa lahat ng Kaniyang kamangha-manghang mga gawa. Tulungan ang estudyante na maunawaan na kung lalakad siya sa matuwid na mga daan ni Jehova, maiiwasan niya ang maraming kirot at pasakit.

6. Anong mga pagpapala ang maaaring tamasahin ng isang umiibig kay Jehova?

6 Pinagpapala ang mga Umiibig sa Diyos: Lubos na nagmamalasakit si Jehova sa mapagpakumbabang mga tao na umiibig sa kaniya, at isinisiwalat niya sa kanila ang “malalalim na bagay ng Diyos.” (1 Cor. 2:9, 10) Yamang taglay nila ang gayong kaalaman tungkol sa mga layunin ni Jehova, hindi nila pinangangambahan ang kinabukasan at mayroon silang tiyak na pag-asa. (Jer. 29:11) Nadarama ng mga umiibig kay Jehova ang kaniyang pambihirang kabaitan. (Ex. 20:6) At dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa kanila, inaasam nila ang pag-asang buhay na walang hanggan.—Juan 3:16.

7. Ano ang nadarama mo hinggil sa pagtuturo sa iba na ibigin si Jehova?

7 Habang mas marami tayong nalalaman tungkol sa ating Ama sa langit, mas marami tayong masasabi sa iba hinggil sa kaniya. (Mat. 13:52) Kaylaki ngang karangalan na magturo sa iba, lalo na sa ating mga anak, na ibigin si Jehova! (Deut. 6:5-7) Patuloy nawa tayo, kasama ng ating mga estudyante sa Bibliya, na pumuri kay Jehova habang nararanasan natin ang ‘kasaganaan ng kaniyang kabutihan.’—Awit 145:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share