Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 2 p. 4-5
  • Bakit Natin Kailangan ang Kaharian ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Natin Kailangan ang Kaharian ng Diyos?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • NAGSIMULANG MAMAHALA ANG TAO
  • KIKILOS ANG DIYOS!
  • Kaharian ng Diyos—Ang Bagong Pamamahala sa Lupa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Malapit Nang Magwakas ang Pagpapahintulot ng Diyos sa Pagdurusa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Naipagbangong-Puri ang Pamamahala ng Diyos!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Bakit May Kasamaan at Pagdurusa?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 2 p. 4-5
Sina Adan at Eva na nakatingin sa isang talon sa hardin ng Eden.

Sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, nagkakaisa at payapa ang lahat ng nilalang

Bakit Natin Kailangan ang Kaharian ng Diyos?

Sa pasimula ng kasaysayan ng tao, ang ating Maylalang, na ang pangalan ay Jehova, ang nag-iisang Tagapamahala. Maibigin ang paraan niya ng pamamahala. Gumawa siya ng isang magandang tirahan—ang hardin ng Eden—para sa mga tao. Nagbigay siya ng saganang pagkain at makabuluhang trabaho para sa kanila. (Genesis 1:28, 29; 2:8, 15) Payapa sana ang mga tao kung nanatili sila sa maibiging pamamahala ng Diyos.

Si Adan hawak ang ipinagbabawal na bunga na ibinigay sa kaniya ni Eva.

Tinanggihan ng unang mga tao ang pamamahala ng Diyos

Sinasabi sa Bibliya na isang anghel ang nagrebelde at humamon sa karapatan ng Diyos na mamahala. Tinawag siyang Satanas na Diyablo. Sinabi niya na mas magiging masaya ang mga tao kung wala ang patnubay at pamamahala ng Diyos. Nakakalungkot, naniwala ang ating unang magulang, sina Adan at Eva, sa kasinungalingan ni Satanas at nagrebelde sila sa Diyos.​—Genesis 3:1-6; Apocalipsis 12:9.

Dahil tinanggihan nina Adan at Eva ang pamamahala ng Diyos, pinalayas sila sa Paraiso at naiwala ang pag-asang mabuhay magpakailanman na may perpektong kalusugan. (Genesis 3:17-19) Ang pagrerebelde nila ay nakaapekto sa mga naging anak nila. Sinasabi ng Bibliya na dahil nagkasala si Adan, “ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan.” (Roma 5:12) Ito pa ang isang masaklap na resulta ng kasalanan: “Ang tao ay namamahala sa kapuwa niya sa ikapipinsala nito.” (Eclesiastes 8:9) Ibig sabihin, kapag ang mga tao ang namahala sa sarili nila, marami ang magiging problema.

NAGSIMULANG MAMAHALA ANG TAO

Ang mayabang na si Nimrod. Sa likod, ang may mga tao na nagtatayo ng gusali.

Nagrebelde si Nimrod kay Jehova

Ang unang tagapamahalang tao na binanggit sa Bibliya ay si Nimrod. Nagrebelde siya sa pamamahala ni Jehova. Mula pa noong panahon ni Nimrod, inaabuso na ng marami ang kanilang kapangyarihan at awtoridad. Mga 3,000 taon na ang nakakalipas, isinulat ni Haring Solomon: “Nakita ko ang mga luha ng mga pinahihirapan, at walang dumadamay sa kanila. May kapangyarihan ang mga nagpapahirap sa kanila.”​—Eclesiastes 4:1.

Hindi nagbago ang kalagayan natin ngayon. Noong 2009, sinabi ng isang publikasyon ng United Nations na parami nang parami ang nagsasabi na ang masamang pamamahala ay “isa sa mga ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo.”

KIKILOS ANG DIYOS!

Kailangan ng mundo ang isang mas mahusay na gobyerno at mas mahusay na mga tagapamahala. At iyan ang pangako ng ating Maylalang!

Mga larawan: Ang resulta ng pamamahala ng tao. 1. Isang babae na taga-Asia na nakaupo sa isang maruming kalsada habang karga-karga ang kaniyang umiiyak na anak. 2. Isang may-sakit na matanda sa ospital. 3. Mga sundalong nagpapaputok ng kanilang armas sa isang labanan. 4. Mga galit na nagpoprotesta habang sumisigaw at may hawak na mga baner. 5. Isang babae kasama ang anak niya na nakatayo sa labas ng bahay nila habang tinitingnan ang basag nilang pinto. 6. Isang mausok na lunsod na may mga pabrika at mga kable ng kuryente.

Kahit ang pinakamagaling na gobyerno ng tao ay bigo sa paglutas sa malalaking problema ng mundo

Nagtatag ang Diyos ng isang Kaharian, o gobyerno, na papalit sa lahat ng gobyerno ng tao at “ito lang ang mananatili magpakailanman.” (Daniel 2:44) Ito ang Kaharian na ipinapanalangin ng milyon-milyong tao. (Mateo 6:9, 10) Pero hindi ang Diyos ang mamamahala sa gobyernong ito. Sa halip, pumili siya ng isang Tagapamahala na nabuhay bilang tao. Sino ang pinili ng Diyos?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share