The Bible—A Book of Fact and Prophecy
Ang Mankind’s Oldest Modern Book ang una sa tatlong video na nasa DVD na The Bible—A Book of Fact and Prophecy. Pagkatapos itong mapanood, sagutin ang sumusunod:
(1) Sa anu-anong paraan kaayon ng modernong siyensiya ang Bibliya? (2) Paano tayo makakatiyak na ang nilalaman ng Bibliya natin sa ngayon ay hindi nabago kumpara sa orihinal na mga manuskrito nito? (3) Ano ang kapansin-pansin sa mga sinaunang manuskrito ng Bibliya? (4) Paano nakatulong sina John Wycliffe, Johannes Gutenberg, William Tyndale, John Hus, Martin Luther, Casiodoro de Reina, at Charles Taze Russell sa pagpapalaganap sa buong daigdig ng Salita ng Diyos, at paano sinalansang ng simbahan ang Bibliya? (5) Paano nakatulong ang praktikal na payo ng Bibliya sa mga taong mahilig magsugal (1 Tim. 6:9, 10), mga mag-asawang gustong maghiwalay at di-tapat sa isa’t isa (1 Cor. 13:4, 5; Efe. 5:28-33), may problema sa kalusugan (Awit 34:8), at sa mga labis na nababahala sa kayamanan (Mat. 16:26)? (6) Ano ang katibayan na mapagtatagumpayan ng isa ang pagtatangi ng lahi kung ikakapit niya ang mga simulain ng Bibliya (Luc. 10:27)? (7) Paano nakapagdulot sa iyo ng higit na kaligayahan ang pagsunod sa mga simulain ng Bibliya? (8) Paano mo magagamit ang video na ito para tulungan ang iba?—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2006, pahina 8.