Tanong
◼ Angkop bang gamitin ng mga kongregasyon o ng mga indibiduwal ang mga logo ng legal na mga korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova?
Ang logo ay isang pangalan, simbolo, o tatak na dinisenyo para madaling makilala ang isang bagay o organisasyon. Ang logo ng Watch Tower ay kumakatawan sa Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania at sa iba pang korporasyong ginagamit ng organisasyon. Ang Christian Congregation of Jehovah’s Witnesses ay gumagamit ng isang bukás na Bibliya bilang logo sa kanilang letterhead. Ang iba pang korporasyon ng mga Saksi ni Jehova ay gumagamit naman ng ibang mga logo.
Hindi dapat gamitin ng mga kongregasyon o ng mga indibiduwal ang mga logo o pangalan ng legal na mga korporasyon ng organisasyon, o ang mga katulad nito, sa kanilang mga Kingdom Hall, karatula, letterhead, personal na gamit, at iba pa. Ang paggamit ng gayong mga logo ay maaaring makalito sa mga opisyal ng gobyerno, mga mámamahayág, at sa iba pa hinggil sa kaugnayan ng kongregasyon sa legal na mga korporasyon ng organisasyon. Gayundin, baka isipin nila na lahat ng liham na ginamitan ng ganitong mga logo ay inaprubahan o ipinadala ng punong-tanggapan o ng tanggapang pansangay.
Ang logo ng Watch Tower, o ang katulad nito, ay hindi dapat gamitin sa itatayong mga Kingdom Hall kahit ang mga ito ay pag-aari ng korporasyon ng Watch Tower. Ang mga kongregasyon na may logo ang Kingdom Hall ay hindi naman hinihilingan agad na baguhin ang kanilang karatula o disenyo, yamang baka mangailangan ito ng malaking panahon, trabaho, at gastusin. Isabay na lamang ito kapag nakaiskedyul nang ayusin ang gusali o baguhin ang karatula. Pero kung kaunting pagbabago lamang ang kailangan, maaaring isaalang-alang na baguhin na ito.