Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/09 p. 1
  • Paano Ka Sasagot?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ka Sasagot?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Pag-aralan Kung Paano Ka Nararapat Sumagot
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Tularan ang Dakilang Manggagawa ng Alagad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mabisang Paggamit ng mga Tanong
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Mabisang Paggamit ng Tanong
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 9/09 p. 1

Paano Ka Sasagot?

1. Bakit natin dapat tularan ang paraan ni Jesus ng pagsagot sa tanong?

1 Humahanga pa rin sa ngayon ang mga tao sa mahusay na paraan ng pagsagot ni Jesus sa mga tanong. Kapag nasa ministeryo, napapaharap tayo sa iba’t ibang tanong, kaya makabubuting tularan natin si Jesus.—1 Ped. 2:21.

2. Ano ang makatutulong sa atin para makapagbigay ng mabisang sagot?

2 Makinig Muna: Isinasaalang-alang ni Jesus ang pangmalas ng nagtatanong. Kung minsan, kailangang magbangon ng mga tanong para matiyak kung ano ang ibig sabihin ng isang tao. Halimbawa, ang tanong na “Naniniwala ka ba kay Jesus?” ay baka nangangahulugan ng “Bakit hindi ka nagdiriwang ng Pasko?” Kapag natanto mo kung ano ang ibig tukuyin ng nagtatanong, magiging mas mabisa ang iyong pangangatuwiran.—Luc. 10:25-37.

3. Anong mga pantulong ang magagamit natin para makapagbigay ng kasiya-siyang mga sagot mula sa Kasulatan?

3 Sumagot Gamit ang Salita ng Diyos: Kadalasan nang pinakamabuting gamitin ang Bibliya sa pagsagot. (2 Tim. 3:16, 17; Heb. 4:12) Talagang nakatutulong sa pagbibigay ng tamang sagot ang aklat na Nangangatuwiran at ang “Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan” sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Kahit na hindi tinatanggap ng nagtatanong ang Bibliya bilang awtoridad, maaari mo pa ring ibahagi sa kaniya sa mataktikang paraan kung ano ang itinuturo ng Kasulatan. Himukin siya na seryosong pag-isipan ang mapananaligang karunungan na nasa Bibliya. Sa pagtulad kay Jesus, ang iyong mga sagot ay magiging “gaya ng mga mansanas na ginto sa mga inukit na pilak”—marangal, tumpak, at kapaki-pakinabang.—Kaw. 25:11.

4. Sa anong mga pagkakataon hindi natin dapat sagutin ang bawat tanong?

4 Dapat ba Nating Sagutin ang Bawat Tanong? Kung hindi mo alam ang sagot, huwag mahiyang sabihin: “Hindi ko alam ang sagot pero puwede akong magsaliksik at bumalik kapag alam ko na ang sagot.” Ang gayong kapakumbabaan at personal na interes ay maaaring mag-udyok sa may-bahay na anyayahan kang bumalik. Kapag napansin mong ang tanong ng isang sumasalansang ay parang mauuwi sa pagtatalo, makabubuting tapusin na lamang ang pag-uusap gaya ng ginawa ni Jesus. (Luc. 20:1-8) Sa katulad na paraan, kapag gustong makipagdebate sa iyo ng isa na wala namang tunay na interes sa katotohanan, magalang na putulin ang pag-uusap at gamitin ang iyong panahon sa paghahanap sa mga tapat-puso.—Mat. 7:6.

5. Anong halimbawa ang inilaan ni Jesus sa pagsagot sa mga tanong?

5 Alam ni Jesus na napakahalagang magtiwala kay Jehova para matupad ang kaniyang atas na “magpatotoo sa katotohanan.” Kasama rito ang pagsagot sa tanong ng mga taong taimtim. (Juan 18:37) Isa ngang pribilehiyo na matularan si Jesus sa pagsagot sa mga “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan.”—Gawa 13:48.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share