Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nobyembre 1
“Parang hindi nawawalan ng problema ang mga pamilya ngayon. Sa tingin mo, makakatulong kaya sa mga pamilya ang pagtulad kay Jesus? [Basahin ang Mateo 20:28. Hayaang sumagot.] May limang aral dito na matututuhan ng mga pamilya mula sa halimbawa ni Jesus.” Ipakita ang artikulo sa pahina 16.
Gumising! Nobyembre
“Sa tingin mo, nakakabuti ba o nakakasama ang relihiyon? [Hayaang sumagot.] Parang iilan lang ang nakakagawa ng sinabing ito ni Jesus. [Basahin ang Mateo 5:44, 45.] Sasagutin dito ang tanong na, Posible kayang ibigin ang kaaway?” Ipakita ang artikulo sa pahina 10.
Ang Bantayan Disyembre 1
“Kailan kaya wawakasan ng Diyos ang pagdurusa sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Maaasahan natin ang pangakong ito ng Bibliya. [Magbasa ng isang teksto sa kahon sa pahina 7.] Tinatalakay sa magasing ito ang sinasabi ng Bibliya kung kailan at paano wawakasan ng Diyos ang lahat ng pagdurusa.”
Gumising! Disyembre
“May mga naniniwala na nilikha ang uniberso. Sabi naman ng iba, basta na lang ito lumitaw at wala talagang layunin. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang Hebreo 3:4.] May makatuwirang paliwanag ang magasing ito tungkol sa pinagmulan at layunin ng uniberso.”