Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/10 p. 2
  • Sapat ba ang Nagagawa Ko?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sapat ba ang Nagagawa Ko?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Lubha Mo Bang Iniibig ang mga Paalaala ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Makapagtitiwala Ka sa mga Paalaala ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Ginigising Ba Tayo sa Espirituwal ng mga Paalaala ni Jehova?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Ipagbunyi sa Iyong Puso ang mga Paalaala ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 7/10 p. 2

Sapat ba ang Nagagawa Ko?

1. Ano ang maaaring ikinababahala ng isang tapat na Kristiyano?

1 Naitanong mo na ba iyan sa iyong sarili? Marahil ay nasisiraan ka ng loob dahil limitado na lang ang pakikibahagi mo sa ministeryo dulot ng pagtanda, pagkakasakit, o lumalaking pananagutan sa pamilya. Sinabi ng isang sister, na may tatlong anak, na nakokonsensiya siya dahil limitado ang nagagawa niya sa ministeryo sa pag-aasikaso sa kaniyang pamilya. Ano ang tutulong sa atin na magkaroon ng timbang na pangmalas sa bagay na ito?

2. Ano ang inaasahan ni Jehova sa atin?

2 Kung Ano ang Inaasahan sa Atin ni Jehova: Tiyak na gusto nating lahat na gumawa nang higit sa ministeryo. Ngunit kalimitang malaki ang pagkakaiba ng gusto nating gawin sa talagang kaya nating gawin. Ang kagustuhan nating gumawa ng higit pa ay nagpapakitang hindi tayo kampante. Tandaan na alam ni Jehova ang ating limitasyon at hindi siya humihiling ng higit sa kaya nating gawin. (Awit 103:13, 14) Ano ba ang inaasahan niya sa atin? Nais niyang paglingkuran natin siya nang buong kaluluwa, at iukol sa kaniya ang pinakamainam nating magagawa.—Col. 3:23.

3. Ano ang dapat nating gawin para masuri ang ating nagagawa sa ministeryo?

3 Paano natin malalaman kung ano ang talagang kaya nating gawin? Hilingin kay Jehova na tulungan tayong maging makatotohanan sa ating sarili. (Awit 26:2) Matutulungan din tayo ng isang mapagkakatiwalaan at may-gulang na Kristiyano na nakakakilala sa atin at hindi natatakot magsabi kung ano ang dapat nating pasulungin. (Kaw. 27:9) Tandaan din na yamang nagbabago ang sitwasyon, dapat na regular na suriin ang ating kalagayan.—Efe. 5:10.

4. Ano ang dapat na pangmalas natin sa salig-Bibliyang mga paalaala tungkol sa ministeryo?

4 Kung Ano ang Dapat na Pangmalas sa mga Paalaala: Sa isang takbuhan, kadalasan nang may mga sumisigaw para palakasin ang loob ng mga mananakbo at marating ang finish line. Hindi ito para pahinain ang loob nila. Sa katulad na paraan, ang salig-Bibliyang mga pampatibay at paalaalang ibinibigay sa ating mga pulong at mga publikasyon na ‘apurahang ipangaral ang salita’ ay para sa ating kapakinabangan at hindi para ipahiwatig na kulang ang pagsisikap natin. (2 Tim. 4:2) Makatitiyak tayo na hangga’t ginagawa natin ang ating buong makakaya, pahahalagahan ni Jehova ang ating ‘pag-ibig at mga gawa.’—Heb. 6:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share