Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Agosto
“Ang mga tao ay may iba’t ibang relihiyon at sumasamba sa Diyos sa iba’t ibang paraan. Ano sa palagay mo ang nadarama ng Diyos tungkol dito? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang itinuro ni Jesus sa bagay na ito.” Iabot sa may-bahay ang isang kopya ng Agosto 1 ng Bantayan at pag-usapan ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isa sa mga siniping teksto. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik upang talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Agosto 1
“Dapat bang turuan ang mga bata tungkol sa Diyos, o mas mabuting maghintay kapag malaki na sila at hayaan silang pumili ng kanilang sariling relihiyon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang itinuturo ng Bibliya na dapat gawin ng mga ama. [Basahin ang Efeso 6:4.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng mga tip kung paano tuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak tungkol sa Diyos.”
Gumising! Agosto
“Ano ang masasabi mo sa tekstong ito? [Basahin ang 1 Samuel 16:23.] Ayon dito, may malakas na impluwensiya ang musika. Sa palagay mo, posible bang magkaroon ng masamang impluwensiya ang ilang musika? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano tayo matalinong makapipili ng musika at paano natin matutulungan ang ating mga anak na gawin din iyon.”