Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Enero
“Naniniwala ang ilang tao na ang Bibliya ay isang maaasahang aklat ng hula. Ang iba naman ay naniniwala na naglalaman ito ng malabong mga prediksiyon na maaaring bigyang-kahulugan sa iba’t ibang paraan. Ano sa palagay mo?” Hayaang sumagot. Pagkatapos, iabot sa may-bahay ang Enero 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at magbasa ng kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin, at isaayos na bumalik para talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Enero 1
“Marami tayong matututuhan mula sa kilalang mga tao sa kasaysayan, hindi ba? [Hayaang sumagot.] Binabanggit ng tekstong ito ang isa sa kilalang tao, ang tanging tinatawag sa Bibliya na ‘kaibigan ng Diyos.’ [Basahin ang Santiago 2:23.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit siya itinuring ng Diyos na kaniyang kaibigan at tinatalakay nito kung ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Abraham.”
Gumising! Enero
“Ang mga suhol, kickback, at iba pang anyo ng pandaraya ay pangkaraniwan na lang sa negosyo. Iniisip ng ilan na kailangang mandaya para lumago ang negosyo. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang kawikaang ito. [Basahin ang Kawikaan 20:17.] Kaya ipinakikita nito na ipinapahamak ng taong nandaraya ang kaniyang sarili. Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit praktikal na maging tapat.”