Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/12 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Karunungan at mga Kapakinabangan sa Pagpaplano ng mga Ari-arian
    Gumising!—1998
  • Wasak na Puso, Gumuhong Pananampalataya
    Gumising!—2007
  • Paano Kung Mahirap Lang Kami?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Ang Kapangyarihan ng Katotohanan na Baguhin ang Buhay
    Gumising!—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 6/12 p. 2

Tanong

◼ Ano ang dapat isaalang-alang kung gusto nating mapunta sa organisasyon ni Jehova ang ilan o ang lahat ng ating pag-aari kapag tayo ay namatay?

Kapag namatay ang tao, wala na siyang kontrol sa kaniyang mga materyal na pag-aari. (Ecles. 9:5, 6) Kaya bago mamatay, marami ang gumagawa ng testamentong nagpapaliwanag sa kanilang mga kahilingan kung paano ibabaha-bahagi ang kanilang mga pag-aari. (2 Hari 20:1) Karaniwan nang nakasulat sa legal na dokumentong ito kung sino ang nais niya na magsilbing katiwala o tagapagpatupad. Sa maraming lupain, kung walang ganitong dokumento, gobyerno ang magpapasiya kung paano ibabahagi ang mga pag-aari ng namatay. Kaya kung may espesipiko tayong mga kahilingan hinggil sa ating mga pag-aari, gaya halimbawa kung nais nating mapunta sa organisasyon ni Jehova ang ilan o ang lahat ng ating pag-aari, mahalagang gumawa ng isang legal na dokumentong nagsasaad ng bagay na ito. Mahalaga rin na maingat tayong pumili ng isang katiwala o tagapagpatupad.

Ang katiwala o tagapagpatupad ay may mabigat na pananagutan. Depende sa dami ng ari-arian, ang pagtitipon at pagbabaha-bahagi ng mga pag-aari ay nagsasangkot ng maraming detalye at uubos ng malaking panahon. Bukod dito, ang sekular na mga awtoridad ay kadalasan nang may mga panuntunang dapat sundin. Hindi bawat miyembro ng kongregasyon ay awtomatikong magiging mabuting katiwala o tagapagpatupad. Ang taong pipiliin natin ay dapat na kilala nating may kakayahan, maaasahan, at handang sumunod sa ating mga kahilingan.—Tingnan ang artikulong “Ang Karunungan at mga Kapakinabangan sa Pagpaplano ng mga Ari-arian,” sa Gumising!, isyu ng Disyembre 8, 1998.

Kapag Hinilingan Kang Maging Katiwala o Tagapagpatupad: Kapag hinilingan ka ng isa na mag-asikaso sa kaniyang mga ari-arian pagkamatay niya, tuusin mo muna kung kaya mo ito at ipanalangin kung magagampanan mo ang pananagutang ito. (Luc. 14:28-32) Pagkamatay niya, kailangan mong ipaalam ito sa lahat ng nakapangalang tagapagmana. Pagkatapos, kapag may awtoridad ka nang ibahagi ang kaniyang mga pag-aari, pananagutan mong gawin ito ayon sa batas at ayon sa eksaktong nakasaad sa testamento. Kailangang batid ng katiwala o tagapagpatupad na malaki man o maliit ang ari-arian, hindi puwedeng ipagwalang-bahala ang nakasulat sa testamento. Anumang kaloob na ibinibigay sa isang legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ay itinuturing na nakaalay na pondo na pag-aari ng organisasyon ni Jehova.—Luc. 16:10; 21:1-4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share