Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Pebrero
“Iba-iba ang opinyon ng mga taong nakakausap namin tungkol sa Bibliya. Para sa ilan, Salita ito ng Diyos. Sa iba naman, ordinaryong aklat lang ito. Ikaw, ano sa tingin mo?” Hayaang sumagot. Ipakita ang huling pahina ng Pebrero 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Pebrero 1
“Gusto ng karamihan ng tao na magwakas na ang mga digmaan. Sa tingin mo, posible ba ang kapayapaan sa buong mundo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang pangako sa Kasulatan. [Basahin ang Awit 46:9.] Kapansin-pansin na ang mga pangyayari noong Digmaang Pandaigdig I at pagkatapos nito ay patunay na napakalapit nang tuparin ng Diyos ang hulang ito at wakasan ang digmaan magpakailanman. Ipinaliliwanag iyan sa magasing ito.”
Gumising! Pebrero
“Dumadalaw kami para ipakipag-usap ang isang karaniwang problema. Para kasing kulang na kulang ang panahon natin para magawa ang lahat ng kailangang gawin. Sa tingin mo, kinakapos ba tayo ng panahon dahil sa dami ng kailangan nating gawin o dahil sa dami ng nasasayang nating oras? [Hayaang sumagot.] Hindi alam ng marami na ang Bibliya ay may praktikal na payo kung paano gagamitin ang panahon. Ito ang isang halimbawa. [Basahin ang Filipos 1:10a.] Tinatalakay sa magasing ito ang apat na paraan na nakatulong sa marami para maging matalino sa paggamit ng panahon.”