Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Hulyo
“Sa palagay mo, ano kaya ang tingin ng Diyos sa mga panalangin natin? Mahalaga kaya talaga sa kaniya ang mga ito?” Hayaang sumagot. Ipakita ang huling pahina ng Hulyo 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Kung ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, siya kaya ang dapat sisihin sa lahat ng masasamang nangyayari sa mundo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Santiago 1:13.] Ipinaliliwanag sa magasing ito kung bakit nangyayari ang masasamang bagay at kung paano wawakasan ng Diyos ang kasamaan at pagdurusa.”
Gumising! Hulyo
“Huwag naman sana, pero halos lahat sa atin ay puwedeng makaranas ng trahedya, gaya ng likas na sakuna, malalang sakit, o pagkamatay ng mahal sa buhay. Kapag nangyari ito, mahalaga kaya na manatili tayong positibo? [Hayaang sumagot.] Napatunayan ng marami na nakakatulong ang Bibliya para makayanan ang mga trahedya. [Basahin ang Roma 15:4.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano tayo matutulungan ng Bibliya kapag nakaranas tayo ng trahedya.”