Sampol na Presentasyon
Ang Bantayan Mayo 1
“Kung may kakayahan kang wakasan ang isang problema sa daigdig, ano ’yon? [Hayaang sumagot.] Sinasabi ng Bibliya na malapit nang wakasan ng Diyos ang problemang ’yan at ang iba pang mga problema. [Pumili ng angkop na tekstong babasahin gaya ng Daniel 2:44; Kawikaan 2:21, 22; Mateo 7:21-23; o 2 Pedro 3:7.] Tinatalakay sa isyung ito ng Bantayan kung kailan at kung paano gagawin ng Diyos ang pinakahihintay na mga pagbabagong ito sa lupa.”
Gumising! Mayo
“Sa palagay mo, darating kaya ang panahon na mamumuhay tayo sa isang daigdig kung saan ang mga tao ay may komportableng tirahan at hindi dumaranas ng kahirapan? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang pangako ng Diyos sa mga tao tungkol dito. [Basahin ang Isaias 65:21, 22.] Tinatalakay sa isyung ito ng Gumising! kung paano tutuparin ng Diyos ang kaniyang mga pangako sa mga tao at kung paano tayo magiging bahagi nito.”