Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Isa na Iba ang Wika
Kung Bakit Mahalaga: Interesado si Jehova sa espirituwal na kapakanan ng kaniyang bayan “sa bawat bansa.” (Gawa 10:34, 35) Kaya naman, sinabi ni Jesus na ang mabuting balita ay ipangangaral sa “buong tinatahanang lupa” at “sa lahat ng mga bansa.” (Mat. 24:14) Inihula ni Zacarias na tutugon ang mga tao mula “sa lahat ng wika ng mga bansa.” (Zac. 8:23) Sa pangitain ni apostol Juan, kabilang sa mga makaliligtas sa malaking kapighatian ang mga indibiduwal “mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika.” (Apoc. 7:9, 13, 14) Dahil diyan, kapag may natagpuan tayo sa ating teritoryo na isang indibiduwal na nagsasalita ng ibang wika, sikapin nating makapagpatotoo sa kaniya.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Sa inyong susunod na Pampamilyang Pagsamba, praktisin ang pagpapatotoo sa isa na hindi nagsasalita ng inyong wika.