‘Ang mga Salitang Ito ay Dapat na Nasa Iyong Puso’
Ang mga magulang ay parang mga pastol. Kailangan nilang alagaan ang kanilang mga anak, dahil ang mga ito ay madaling maligaw at mapahamak. (Kaw. 27:23) Paano ito gagawin ng mga magulang? Dapat silang makipag-usap araw-araw sa kanilang mga anak para malaman kung ano ang nasa isip at puso ng mga ito. (Kaw. 20:5) Dapat din silang gumamit ng mga materyales na di-tinatablan ng apoy para mapatibay ang pananampalataya ng kanilang mga anak. (1 Cor. 3:10-15) Idiniriin ng video na ‘Ang mga Salitang Ito ay Dapat na Nasa Iyong Puso’ ang kahalagahan ng regular na pampamilyang pagsamba. Sama-sama itong panoorin bilang pamilya, at talakayin ang sumusunod na mga tanong.
(1) Bakit nawala ang pokus ng pamilya Roman sa kanilang espirituwalidad? (2) Bakit hindi naging matagumpay sa simula ang pagsisikap ni Brother Roman na magdaos ng pampamilyang pagsamba? (3) Anong formula sa Kasulatan ang posibleng umakay sa matagumpay na pagpapalaki ng mga anak? (Deut. 6:6, 7) (4) Ano ang makatutulong para mas mapahusay ang komunikasyon sa pamilya? (5) Anong uri ng mga sakripisyo ang kailangang gawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak? (6) Paano naging mabuting impluwensiya sina Brother at Sister Barrow sa pamilya Roman? (Kaw. 27:17) (7) Anong patiunang paghahanda ang dapat gawin ng mga ulo ng pamilya para maging matagumpay ang pampamilyang pagsamba? (8) Ano ang ginawa ni Brother Roman para gumanda ang kalagayan ng kaniyang pamilya? (9) Bakit mahalaga ang pagiging di-pabago-bago pagdating sa pampamilyang pagsamba? (Efe. 6:4) (10) Ano ang ilang praktikal na mungkahi para sa pampamilyang pagsamba? (11) Paanong si Brother Roman ay naging kalmado pero matatag sa pagtulong kay Marcus na gawin kung ano tama? (Jer. 17:9) (12) Paano nakipagkatuwiranan sina Brother at Sister Roman kay Rebecca para matulungan siyang magpasiya nang tama tungkol sa pakikipagrelasyon kay Justin? (Mar. 12:30; 2 Tim. 2:22) (13) Paano nagpakita ng pananampalataya sina Brother at Sister Roman sa paggawa nila ng mga pagbabago sa kanilang buhay? (Mat. 6:33) (14) Paano idiniriin ng videong ito na kailangang pangalagaan ng mga ulo ng pamilya ang espirituwalidad ng kanilang sambahayan? (1 Tim. 5:8) (15) Ano ang determinasyon mo bilang ulo ng pamilya?
PAALAALA SA ULO NG PAMILYA: Ang makabagong-panahong dramang ito ay inilabas sa mga panrehiyong kombensiyon noong 2011. Mula noon, may nakita ka bang dapat pasulungin sa inyong pampamilyang pagsamba? Kumusta naman ngayon? Kung may kailangan ka pang pasulungin, pakisuyong ipanalangin ito at gumawa ng mga pagbabago para sa walang-hanggang kapakinabangan ng iyong pamilya.—Efe. 5:15-17.