KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EZRA 1-5
Tinutupad ni Jehova ang Kaniyang mga Pangako
Printed Edition
Ipinangako ni Jehova na isasauli ang tunay na pagsamba sa templo sa Jerusalem. Pero pagbalik ng mga Judio mula sa pagkabihag sa Babilonya, maraming naging hadlang, kasama na ang utos ng hari na ihinto ang pagtatayo. Marami ang nangamba na baka hindi na matapos ang pagtatayo.
mga 537 B.C.E.
Iniutos ni Ciro na muling itayo ang templo
-
Ikapitong buwan
Itinayo ang altar; naghandog ng mga hain
-
536 B.C.E.
Inilatag ang pundasyon
-
522 B.C.E.
Ipinahinto ni Haring Artajerjes ang pagtatayo
-
520 B.C.E.
Pinatibay-loob nina Zacarias at Hagai ang bayan na ituloy ang pagtatayo
-
515 B.C.E.
Natapos ang templo