PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Kung Paano Gagamitin ang JW Library
SA PAG-AARAL:
Basahin ang Bibliya at ang pang-araw-araw na teksto
Basahin ang Taunang Aklat, magasin, at iba pang publikasyon. Gamitin ang bookmark
Maghanda sa mga pulong, at i-highlight ang mga sagot
Manood ng mga video
SA PULONG:
Tingnan ang mga tekstong binabanggit ng tagapagsalita. Gamitin ang history feature para mabuksan uli ang teksto
Sa halip na magdala sa pulong ng maraming nakaimprentang publikasyon, gamitin ang iyong gadyet para sa pagsubaybay sa iba’t ibang bahagi at pag-awit. Ang JW Library ay may mga bagong kanta na wala pa sa nakaimprentang aklat-awitan
SA MINISTERYO:
Ipakita sa interesado ang JW Library, at tulungan siyang i-download ang app at mga publikasyon sa kaniyang gadyet
Gamitin ang search feature kung gusto mong mahanap ang isang teksto. Maaari kang mag-type ng salita o parirala para mahanap ang teksto
Ipapanood ang video. Kung ang kausap mo ay may anak, maaari mong i-play ang isang video sa seryeng Maging Kaibigan ni Jehova. Para naman pasiglahin ang isa na mag-aral ng Bibliya, maaari mong ipapanood ang video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? Kung ang isa ay nagsasalita ng ibang wika, ipapanood sa kaniya ang isang video sa kaniyang wika
Ipakita ang teksto sa ibang wika gamit ang salin na nai-download mo na. Magpunta sa teksto, pindutin ang numero ng talata, at pindutin ang parallel rendering icon