Pagpapatotoo sa intercom sa Vienna, Austria
Sampol na Presentasyon
GUMISING!
Tanong: Sa tingin mo, sulit bang baguhin ang pangit na mga nakaugalian natin?
Teksto: Ec 7:8a
Alok: Tinatalakay ng mga artikulong ito ang mga prinsipyo ng Bibliya na tutulong sa atin na makinabang sa ating mga nakaugalian.
GUMISING!
Tanong: Hindi natin maiiwasan ang mga pagbabago. Ano kaya ang pinakamagandang paraan para harapin ang mga ito?
Teksto: Ec 7:10
Alok: [Ipakita ang artikulo na nagsisimula sa pahina 10.] Tinatalakay ng artikulong ito ang mga simulain sa Bibliya na tutulong sa atin na harapin ang mga pagbabago.
MAKINIG SA DIYOS AT MABUHAY MAGPAKAILANMAN
Tanong: Lahat tayo ay may pangalan, pati na ang mga kapamilya at kaibigan natin. Ang Diyos kaya? Ano ang pangalan niya?
Teksto: Aw 83:18
Alok: Ipinapaliwanag ng brosyur na ito ang iba pang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Diyos. [Itampok ang pahina 6 at 7.]
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.