KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 87-91
Manatili sa Lihim na Dako ng Kataas-taasan
Ang “lihim na dako” ni Jehova ay nagbibigay ng espirituwal na proteksiyon
Sa ngayon, ang pag-aalay at bautismo ay kahilingan para makatahan sa lihim na dako ni Jehova
Ang dakong ito ay hindi alam ng mga hindi nagtitiwala sa Diyos
Ang mga nasa lihim na dako ni Jehova ay hindi naiimpluwensiyahan ng sinuman o anuman na makasisira ng kanilang pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa kaniya
Binibitag tayo ng “manghuhuli ng ibon”
Maingat ang mga ibon, mahirap silang mabitag
Pinag-aaralang mabuti ng manghuhuli ng ibon ang ugali ng mga ibon at gumagawa siya ng pamamaraan para mabitag ang mga ito
Bilang ang “manghuhuli ng ibon,” pinag-aaralan ni Satanas ang bayan ni Jehova at naglalagay siya ng mga bitag para mapahamak sila sa espirituwal
Apat sa nakamamatay na bitag na ginagamit ni Satanas:
Pagkatakot sa Tao
Materyalismo
Masasamang Libangan
Di-pagkakaunawaan