KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 102-105
Inaalaala ni Jehova na Tayo ay Alabok
Gumamit si David ng mga paghahalintulad para ilarawan ang kaawaan ni Jehova.
Kung paanong hindi natin lubusang nauunawaan kung gaano kalayo sa lupa ang mabituing kalangitan, hindi rin natin mauunawaan ang lawak ng matapat na pag-ibig ni Jehova
Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw, gayon inilalayo ni Jehova sa atin ang ating mga kasalanan hanggang sa pinakamalayong distansiyang maiisip natin
Kung paanong ang isang ama ay nagpapakita ng habag sa kaniyang anak na nasaktan, nagpapakita rin si Jehova ng awa sa mga nagsisisi na nabibigatan dahil sa kanilang mga kasalanan