KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 135-141
Kamangha-mangha ang Pagkakagawa sa Atin
Binulay-bulay ni David ang mga ebidensiya ng mabubuting katangian ng Diyos na makikita sa Kaniyang mga nilikha. May-pagtitiwala niyang ginamit ang kaniyang buhay sa paglilingkod kay Jehova.
Nang magbulay-bulay si David tungkol sa paglalang, naudyukan siyang purihin si Jehova:
“Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin”
“Ang aking mga buto ay hindi nakubli sa iyo nang ako ay ginawa sa lihim, nang ako ay hinabi sa pinakamabababang bahagi ng lupa”
“Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito”