Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb16 Nobyembre p. 3
  • Inilalarawan ng Bibliya ang Asawang Babae na May Kakayahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Inilalarawan ng Bibliya ang Asawang Babae na May Kakayahan
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Matalinong Payo ng Isang Ina
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • “Ang Nagmamay-ari sa Kaniya ay Kilala sa mga Pintuang-daan”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Korales
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagpapakita ng Pag-ibig at Paggalang Bilang Isang Asawang Babae
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
mwb16 Nobyembre p. 3

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | KAWIKAAN 27-31

Inilalarawan ng Bibliya ang Asawang Babae na May Kakayahan

Ang Kawikaan kabanata 31 ay isang mabigat na mensahe ng ina ni Haring Lemuel. Pinayuhan siya nito kung ano ang dapat hanapin sa isang asawang babae.

Ang asawang babae na may kakayahan ay mapagkakatiwalaan

Babaeng nag-aabot ng pagkain sa kaniyang pamilya noong panahon ng Bibliya

31:10-12

  • Nagbibigay siya ng magagandang mungkahi kapag gumagawa ng desisyon para sa pamilya habang nananatili siyang mapagpasakop

  • Pinagkakatiwalaan siya ng kaniyang asawa na makagagawa siya ng matalinong desisyon nang hindi na kailangan pang humingi ng permiso sa bawat pagkakataon

Ang asawang babae na may kakayahan ay masipag

Babaeng naggigiling ng butil noong panahon ng Bibliya

31:13-27

  • Marunong siyang magtipid at mamuhay nang simple para ang kaniyang pamilya ay makapanamit nang malinis at presentable, at makakain nang sapat

  • Masipag siya at inaalagaan niya ang kaniyang sambahayan araw at gabi

Ang asawang babae na may kakayahan ay may-gulang sa espirituwal

Babaeng nananalangin

31:30

  • May-takot siya sa Diyos at nagsisikap na magkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya

ALAM MO BA?

Noong panahon ng Bibliya, napakahalaga ng pulang korales. Maganda ito, bibihira, at mahirap makuha. Matatagpuan ito sa Dagat Mediteraneo at Dagat na Pula, at isa itong mahalagang kalakal.

Pulang korales

Binanggit ng Bibliya ang korales kasama ng ginto, pilak, at safiro para ipakita kung gaano ito kahalaga.

Sinasabi ng Salita ng Diyos na ang halaga ng asawang babae na may kakayahan ay “malayong higit kaysa sa mga korales.”—Kaw 31:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share