KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 17-21
Hayaang Hubugin ni Jehova ang Iyong Pag-iisip at Paggawi
Magpahubog kay Jehova
Para magkaroon tayo ng espirituwal na mga katangian, hinuhubog tayo ni Jehova sa pamamagitan ng payo o disiplina
Dapat tayong maging masunurin at madaling hubugin
Hindi tayo pinipilit ni Jehova na gawin ang mga bagay na hindi natin gusto
Maaaring magbago ang isip ng isang magpapalayok kung paano niya huhubugin ang isang sisidlan
Dahil binigyan tayo ni Jehova ng kalayaang magpasiya, maaari nating tanggapin o tanggihan ang kaniyang paghuhubog
Iniaangkop ni Jehova ang pakikitungo niya sa mga tao depende sa kanilang pagtugon sa kaniyang mga tagubilin