Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp20 Blg. 3 p. 4-5
  • Mahal Tayo ng Ating Maylalang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahal Tayo ng Ating Maylalang
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1. PINASISIKAT NG MAYLALANG ANG ARAW
  • 2. NAGPAPAULAN ANG MAYLALANG
  • 3. NAGBIBIGAY ANG MAYLALANG NG PAGKAIN AT DAMIT
  • Salamat at May Ulan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Ulan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hanapin ang Kaharian, Hindi ang Materyal na mga Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Ang Iyong Maylalang—Alamin ang Kaniyang Mga Katangian
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2020
wp20 Blg. 3 p. 4-5
Sumisikat ang araw sa ibabaw ng bundok.

Mahal Tayo ng Ating Maylalang

1. PINASISIKAT NG MAYLALANG ANG ARAW

Paano kaya ang buhay sa mundo kung walang araw? Ang araw ang nagbibigay ng enerhiya para makagawa ang mga puno ng dahon, bulaklak, bunga, at buto. Dahil din dito, nakakaakyat ang tubig mula sa ugat ng puno papunta sa mga dahon nito. Pagkatapos, ang tubig sa dahon ay nagiging singaw.

Isang taniman ng tsaa sa bundok.

2. NAGPAPAULAN ANG MAYLALANG

Dahil sa regalo ng Diyos na ulan, nakakagawa ang lupa ng pagkain para sa atin. Nagbibigay ang Diyos ng ulan mula sa langit, mabubungang panahon, at saganang pagkain, at pinapasaya niya ang puso natin.

Isang ibon na nasa sanga at nakanganga para saluhin ang isang berry.

3. NAGBIBIGAY ANG MAYLALANG NG PAGKAIN AT DAMIT

Maraming ama ang nag-aalala kung paano mabibigyan ng sapat na pagkain at damit ang pamilya nila. Pero pansinin ang sinabi ng Kasulatan: “Tingnan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit; hindi sila nagtatanim o umaani o nagtitipon sa kamalig, pero pinakakain sila ng inyong Ama sa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa sa kanila?”—Mateo 6:25, 26.

“Matuto kayo mula sa mga liryo na tumutubo sa parang . . . ; pero sinasabi ko sa inyo na kahit si [Haring] Solomon, sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito. Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, . . . hindi ba mas gugustuhin niyang damtan kayo?”—Mateo 6:28-30.

Kung kaya tayong bigyan ng Diyos ng pagkain at damit, siguradong mabibigyan din niya tayo ng iba pa nating pangangailangan. Kapag sinisikap nating gawin ang kalooban ng Diyos, pagpapalain niya ang mga ginagawa natin para magkaroon ng pagkain o makakuha ng trabaho at mabili ang mga kailangan natin.​—Mateo 6:32, 33.

Kapag pinag-isipan natin ang tungkol sa araw, ulan, mga ibon, at bulaklak, talagang mamahalin natin ang Diyos. Sa susunod na artikulo, aalamin natin kung paano nakikipag-usap ang Maylalang sa mga tao.

“Pinasisikat niya ang kaniyang araw . . . at nagpapaulan siya.”​—MATEO 5:45.

Mahal na mahal tayo ng ating Maylalang, at nagmamalasakit siya sa atin. Gaya ng isang ama, inaalagaan niya ang kaniyang pamilya. Sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang Diyos ay isang bukas-palad na Tagapaglaan, at alam niya “kung ano ang kailangan ninyo bago pa ninyo hingin iyon sa kaniya.”​—Mateo 6:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share