Pagbabahay-bahay sa Italy
Sampol na Presentasyon
ANG BANTAYAN
Tanong: Kalooban ba ng Diyos na mamatay tayo?
Teksto: Apo 21:4
Alok: Ipinaliliwanag sa isyung ito ng Bantayan ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa buhay at kamatayan.
ITURO ANG KATOTOHANAN
Tanong: Bakit napakaraming pagdurusa?
Teksto: 1Ju 5:19
Katotohanan: Si Satanas na Diyablo ang tagapamahala ng daigdig.
PAANO GINAGAWA ANG PAG-AARAL SA BIBLIYA?
Alok: Nag-aalok ang mga Saksi ni Jehova ng libreng pag-aaral sa Bibliya. Sinasagot sa pag-aaral ang mga tanong na gaya ng: Bakit napakaraming pagdurusa? Paano magiging masaya ang pamilya ko? Ipinaliliwanag sa video na ito kung paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya. [I-play ang video na Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya?] Puwede nating gamitin ang publikasyong ito sa ating pag-aaral. [Ipakita ang isa sa mga publikasyong ginagamit natin sa pag-aaral, at kung posible, ipakita kung paano ito ginagawa.]
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.