Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb17 Oktubre p. 7
  • Mamuhay sa Paraang Nagbibigay-Kapurihan kay Jehova!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mamuhay sa Paraang Nagbibigay-Kapurihan kay Jehova!
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga Talento
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Masiyahan sa mga Pribilehiyo Mo Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Ang Ilustrasyon ng mga Talento
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Ano ang Nagpapakilos sa Iyo Upang Maglingkod sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
mwb17 Oktubre p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mamuhay sa Paraang Nagbibigay-Kapurihan kay Jehova!

Ang buhay ay isang mahalagang regalo. Sa paraan ng paggamit natin dito araw-araw, makikita kung gaano natin ito pinahahalagahan. Bilang mga Saksi ni Jehova, nagsisikap tayong gamitin ang ating talento at kakayahan para parangalan at luwalhatiin si Jehova, ang Tagapagbigay-Buhay. (Aw 36:9; Apo 4:11) Pero dahil sa mga kabalisahang nararanasan sa masamang sanlibutang ito, madaling maisaisantabi ang paglilingkod kay Jehova. (Mar 4:18, 19) Makabubuting tanungin ang sarili: ‘Talaga bang naibibigay ko kay Jehova ang aking pinakamainam? (Os 14:2) Saan ba ako inaakay ng aking trabaho o karera? Ano ba ang espirituwal na mga tunguhin ko? Paano ko mapalalawak ang aking ministeryo?’ Kung may nakikita kang kailangang pasulungin, manalangin at magpatulong kay Jehova, at gumawa ng kinakailangang pagbabago. Ang araw-araw na pagpuri kay Jehova ay tiyak na magdudulot ng makabuluhan at masayang buhay!—Aw 61:8.

Si Edgardo Franco na nagpe-perform sa stage; si Edgardo Franco na naglilingkod sa larangan

Kanino mo inihahandog ang iyong mga talento?

PANOORIN ANG VIDEO NA GAMITIN ANG IYONG TALENTO PARA KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit hindi isang katalinuhang ihandog sa sanlibutan ni Satanas ang iyong mga talento? (1Ju 2:17)

  • Anong mga pagpapala ang tatanggapin ng mga nagbibigay kay Jehova ng kanilang pinakamainam?

  • Sa anong mga sagradong paglilingkod mo puwedeng magamit ang iyong talento at kakayahan?

MGA MUNGKAHI SA PAMPAMILYANG PAGSAMBA:

  • Interbyuhin ang isang mamamahayag na matagal nang naglilingkod kay Jehova, marahil nasa buong-panahong paglilingkod. Ano ang mga isinakripisyo niya para maibigay kay Jehova ang kaniyang pinakamainam? Paano siya pinagpala ni Jehova?

  • Magpunta sa JW Broadcasting, at tingnan sa MGA INTERBYU AT KARANASAN. Mapapanood mo at maririnig ang kagalakan ng mga gumugol nang buong buhay nila sa iba’t ibang larangan ng sagradong paglilingkod

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share