KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 12-13
Ang Ilustrasyon Tungkol sa Trigo at Panirang-Damo
Ginamit ni Jesus ang trigo at panirang-damo para ilarawan kung paano at kailan niya titipunin mula sa mga tao ang lahat ng uring trigo ng pinahirang Kristiyano, pasimula noong 33 C.E.
‘Isang tao ang naghasik ng mainam na binhi sa kaniyang bukid’
Manghahasik: Si Jesu-Kristo
Inihasik ang mainam na binhi: Pinahiran ng banal na espiritu ang mga alagad ni Jesus
Bukid: Ang sangkatauhan
“Habang natutulog ang mga tao, ang kaniyang kaaway ay dumating at naghasik ng mga panirang-damo”
Kaaway: Ang Diyablo
Natutulog ang mga tao: Pagkamatay ng mga apostol
“Hayaan ninyong kapuwa sila lumaking magkasama hanggang sa pag-aani”
Trigo: Mga pinahirang Kristiyano
Panirang-damo: Mga huwad na Kristiyano
“Tipunin muna ninyo ang mga panirang-damo . . . pagkatapos ay tipunin ninyo ang trigo”
Mga alipin/manggagapas: Mga anghel
Tinipon ang panirang-damo: Ibinukod ang mga huwad na Kristiyano sa mga pinahirang Kristiyano
Pagtitipon sa kamalig: Ang mga pinahirang Kristiyano ay sinimulang tipunin sa nilinis na kongregasyon
Kapag nagsimula ang panahon ng pag-aani, ano ang malaking pagkakaiba ng mga tunay na Kristiyano sa mga huwad na Kristiyano?
Paano ako makikinabang kapag naunawaan ko ang ilustrasyong ito?