Ang Paskuwa ay hindi lumalarawan sa Memoryal, pero may kahulugan sa atin ang ilang aspekto nito. Halimbawa, tinawag ni apostol Pablo si Jesus bilang ang kordero ng “ating paskuwa.” (1Co 5:7) Kung paanong nakapagligtas ng buhay ang dugo ng kordero sa hamba ng pinto, makapagliligtas din ang dugo ni Jesus. (Exo 12:12, 13) Isa pa, wala ni isa mang buto ng kordero ng Paskuwa ang nabali. Sa katulad na paraan, kahit kaugalian noon na baliin ang buto ng isang nahatulan ng kamatayan, walang isa mang buto ni Jesus ang nabali.—Exo 12:46; Ju 19:31-33, 36.