PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pag-ibig ang Pagkakakilanlan ng mga Tunay na Kristiyano—Magsaya sa Katotohanan
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Bilang pagtulad kay Jesus, dapat tayong magpatotoo tungkol sa layunin ng Diyos. (Ju 18:37) Dapat din tayong makipagsaya sa katotohanan, magsalita ng katotohanan, at pag-isipan ang mga bagay na totoo, kahit nabubuhay tayo sa mundong punô ng kasinungalingan at kasamaan.—1Co 13:6; Fil 4:8.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Maging determinadong huwag makinig o magkalat ng tsismis.—1Te 4:11
Huwag matuwa sa masasamang bagay na nangyayari sa iba
Masiyahan sa positibo at nakapagpapatibay na mga bagay
PANOORIN ANG VIDEO NA “IBIGIN NINYO ANG ISA’T ISA”—MAGSAYA, HINDI SA KALIKUAN, KUNDI SA KATOTOHANAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Paano ‘nakipagsaya sa kalikuan’ si Debbie?
Paano ibinaling ni Alice sa positibong direksiyon ang pag-uusap nila ni Debbie?
Ano ang magagandang bagay na puwede nating ipakipag-usap sa iba?
Makipagsaya, hindi sa kalikuan, kundi sa katotohanan